• Home
  • Fresh Scoops
  • Tulad ng ibang mga magulang, goal din ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na panatilihin safe at healthy ang kanilang mga anak.

Kean Cipriano, nagkuwento tungkol sa pagkakasakit ng anak kamakailan

Tulad ng ibang mga magulang, goal din ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na panatilihin safe at healthy ang kanilang mga anak.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

10/10/2020 02:28 PM
Kean Cipriano, nagkuwento tungkol sa pagkakasakit ng anak kamakailan

Aminado ang aktor-singer na si Kean Cipriano sa mga challenges na hatid ng COVID-19 pandemic lalo na bilang isang magulang. Sa kanyang panayam sa Push Bets Live na umere nitong Biyernes, October 9, inamin ni Kean na tulad ng iba ay nagkakaroon din siya ng mga pangamba nang kumustahin sila na kanyang asawang si Chynna Ortaleza at mga anak na sina Stellar at Salem.

“Thank God, we’re still alive. We’re surviving, we’re okay. But dahil nga nasa gitna tayo ng pandemic, dahil sa uncertainty, may nabubuo na mga anxiety, may nabubuong mga negative emotions, and fear, and worry. Tapos nasa bahay ka, nagtatrabaho ka sa bahay, let’s say, you do all the chores also, kumbaga it’s very overwhelming. Pero wala eh, I just feel like you know, we’ve got to carry on and power though sa nangyayari ngayon. So to answer the question, I’m okay, the family is okay pero meron pa rin worries and fears,” aniya.

Ibinahagi rin ni Kean kung paano mas naging stronger ang bonding nilang pamilya ngayong mas madalas silang magkakasama bilang nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang Metro Manila dulot ng pandemya.


We watch a lot of YouTube videos, we sing together, we dance together. And I think that’s one of the best things that ever happened dito sa pandemic na ‘to. Dahil nga kasama ko day in, day out ‘yung mga bata, mas dumadami rin ‘yung time namin to goof around and be ourselves,”aniya.

Kasalukuyang nag-o-online schooling na si Stellar, four years old, at kaka-first birthday naman ni Salem.  

Ani Kean, four to five months old pa lang si Salem nang magsimula ang community quarantine kung kaya naman ngayon nasa bahay lang sila ay sobrang natutukan niya ang bawat milestone ng anak.

Nang tanungin kung mayroon siyang naging challenging moment sa pagiging magulang especially ngayong may pandemic ay inalala niya ang nangyari noon kay Salem.

A lot. Siyempre lalo sa first year ‘nung bata, di ba ang dami niyang kailangan pang pagdaanan kasi siyempre nag-a-adjust pa rin siya sa mundo. So since pinanganak si Salem, I think ang problema niya noon that time, parang nagka-asthma siya, eh. Nagka-asthma siya tapos just recently, nag-worry din kami ni Chynna kasi nga ang taas ‘nung lagnat niya, nag-39 [Celsius] siya, ganyan. So ‘Wait, anong nangyayari?’ and may fear ka palagi na ‘wait, is this COVID or ano ba ‘to?’ ganyan. Ta’s nalaman namin na Roseola, so nagkaroon ng Measles ata ‘yung bata. So nakakaawa kasi siyempre nakikita mo ‘yung anak mo, iyak ng iyak, nahihirapan. Totoo pala ‘yun ‘pag sinasabi ng magulang natin sa’tin di ba na ‘alam mo kung pwede ko lang kunin ‘yung nararamdaman mo, kung pwede lang ibigay mo sa’kin, ako na lang para okay ka,’ ganon pala talaga siya,” kwento niya.
 
Dagdag pa nito, “And ang challenge also is syempre as much as possible, gusto mo na hindi sana lumabas ng bahay, di ba? Gusto mo sana ‘di na siya dalhin ‘dun sa hospital kasi ang dami na rin siyempreng nangyayari sa hospital ngayon. Gusto natin matulungan din ‘yung mga health workers natin so kami ni Chynna, it’s a continuous learning for us din na kung paano naming papanatilihin na safe at healthy ‘yung mga bata. But I’m just really happy also na wala naman anything major so kaya naman all the challenges.”

Panoorin ang buong panayam kay Kean sa video na ito.