• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa panukalang inihain ni Sen. Lito Lapid, magiging Fernando Poe Jr. Avenue na ang Del Monte Avenue.

Kalye sa Quezon City, nakatakdang ipangalan kay Fernando Poe Jr.

Sa panukalang inihain ni Sen. Lito Lapid, magiging Fernando Poe Jr. Avenue na ang Del Monte Avenue.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/10/2020 12:47 PM
Kalye sa Quezon City, nakatakdang ipangalan kay Fernando Poe Jr.
Photo credit: ABS-CBN LifeStyle

Pasado na sa Senate Public Works Committee nitong nagdaang Miyerkoles ang panukalang batas sa pagpapangalan ng isang kilalang kalye sa Quezon City sa iconic actor na si Fernando Poe Jr.

Sa inaprubahang Senate Bill No. 1822 ni Senator Bong Revilla Jr., na inihain ni Senator Lito Lapid, nakatakdang ipangalan  kay Da King ang kalye ng Del Monte Avenue at gawing itong Fernando Poe Jr. Avenue.

Ayon sa Inilabas na ulat ng Inquirer.net naniniwala ang si Sen. Lapid na nagkaroon ng marka sa puso ng bawat Pilipino ang halos 300 pelikula na pinagbidahan ni Da King.


READ: Da King Klasiks: 10 FPJ Films that Left A Mark in the Industry | Push Pins

“His peers in the film industry could attest to his whole-hearted kindness to Filipinos knowing full well the struggles of hard work amid worsening socio-economic conditions that Filipino families face then and now.” sabi pa ng dating aktor.

“Bilang pagpapatotoo sa kadalasan niyang karakter sa pelikula at TV, si FPJ ay maituturing na isang bayani at kampyon ng mga inaapi, naghihirap at ordinaryong mamayang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga pagkakawanggawa, at pag-aabot ng tulong sa iba’t-ibang uri at paraan,” pahayag pa niya.

December 14, 2004 ng namayapa sa edad na 65 years old si FPJ dahil sa stroke.

Taong 2006 naman ng kilalanin siya bilang isa sa mga National Artist for Film dahil na rin sa kanyang naging ambag sa local film industry.

Hindi man inabot ng bagong henerasyon, buhay na buhay pa rin ang mga alalala ni FPJ dahil na rin sa iniwan niyang legacy at isa na dito ang FPJ Production na matatagpuan sa kahabaan ng Del Monte Avenue, Quezon City.