• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto is grateful to ABS-CBN for supporting her dreams.

Julia Barretto on ABS-CBN journey: ‘My whole experience with ABS-CBN was just magical, just wonderful’

Julia Barretto is grateful to ABS-CBN for supporting her dreams.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/10/2020 04:38 PM
Julia Barretto on ABS-CBN journey: ‘My whole experience with ABS-CBN was just magical, just wonderful’
Photo Credit: @juliabarretto Instagram

Ibinahagi ni Julia Barretto ang naging journey niya sa ABS-CBN at Star Magic bago siya lumipat ng Viva Artists Agency (VAA) nitong September of 2020.

Nagsimula si Julia sa Star Magic at the age of 9 at ngayon ay 23 years old na siya. Bale 14 years siyang naging Kapamilya.

Well, overall my whole experience with ABS-CBN was just magical, just wonderful,” paglalarawan ni Julia sa kanyang naging journey.


“Marami akong mga naging totoong kaibigan. Malaki ang pagpapasalamat ko sa ABS-CBN. Every time I look back at my journey with them, palaging…

I’m just full of gratitude and I was so grateful kasi sinuportahan talaga nila yung mga pangarap ko. They gave me beautiful stories to tell. They’ve made me work with a lot of people that I also looked up.

“Ang dami ko pong mga friends na naging family ko na rin po sa ABS – the staff, the production, my Star Magic family, my road managers, my handlers talagang lahat naging parang pamilya ko na. Hanggang ngayon naman nakakausap ko pa sila, nagkukumustahan.

Solid ang relationship ko with ABS-CBN so I’m just so proud to have a journey with them. Walang goodbye, it’s always just see you around, so that’s what’s nice,” deklara pa ng young actress.

Nang tanungin si Julia kung sino sa mga Viva artists ang gusto niyang makatrabaho in the future, aniya, okey lang daw naman sa kanya kahit sino.

“Siguro nakadepende kung anong magiging story ’no. Hindi naman po ako maarte sa mga magiging kasama ko sa isang proyekto,” sambit niya. “Ang pinakaimportante naman po talaga is yung story, yung mga makakatrabaho mong director, writers, dyan naman ako talagang nakatutok,” pahabol ni Julia.

Eh, sa mga director ng Viva sino ba ang gusto niyang makatrabaho?

“Sa totoo lang, maraming director na excited akong makatrabaho ulit. Like si Direk JP (Jason Paul Laxamana) na nakatrabaho ko po last year sa Between Maybes. I’m excited also kasi gusto ko ulit makatrabaho si Direk Tonet (Antoinette Jadaone).

And I’m also looking forward to working with directors that are also under Viva. There’s just so much to look forward to,” lahad pa niya.

Si Antoinette ay nakatrabaho ni Julia sa pelikulang Love You To The Stars and Back ng Star Cinema na pinagtambalan nila ni Joshua Garcia.

Samantala, habang quarantine ay marami pa ring pinagkakaabalahan si Julia.

“Nasa bahay lang din ako. Nagpaka-chef at nagpaka-baker. Tapos nagwu-work from home pa rin. Marami po akong pinagkaabalahan na shooting from home.

“Meron din akong ginawang mga interviews, everything is work from home. Nakapag-shoot din ako sa labas ng ilang endorsements siyempre following the protocols—swab test—so ayun nakapagtrabaho pa rin naman po aside from staying home,” pagbabahagi ni Julia.