• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla admits he is trying to find a way for some lucky fans to watch his show in person.

Daniel Padilla on missing his fans during live events: ‘Sa kanila ako kumukuha ng energy’

Daniel Padilla admits he is trying to find a way for some lucky fans to watch his show in person.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/10/2020 11:06 AM
Daniel Padilla on missing his fans during live events: ‘Sa kanila ako kumukuha ng energy’
Photo credit: @supremo_dp Instagram

All set for his first virtual concert Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience happening on October 11, Sunday, Daniel Padilla said he is trying to make his event as beneficial as he can for both his fans and co-workers. “Napag-usapan namin na ganun ang gawin dahil siyempre ayaw naman nating maging mga manhid sa mga nangyayari ngayon di ba? Gusto nga natin magbigay ng saya. Eh kung puwede lang gawin kong libre kaso siyempre hindi naman puwede dahil meron tayong mga binabayaran (laughs). Yung mga kanta kailangan natin bayaran, siyempre yung production kailangan natin bayaran. So yung binigay nating presyo, yan na yung pinaka minimum kumbaga para lang mabayaran ang lahat ng kailangan bayaran sa production pero wala ng sobra diyan. Ako wala akong kikitain dito. gusto ko lang ito gawin para sa mga tao,” he admitted.

With the new normal restrictions in place, DJ admits he is still adjusting to the new set up. “Siyempre it’s very different dahil unang una wala yung mga fans natin na talagang tumatangkilik tuwing may concerts tayo. Pero siyempre gusto pa rin nating ibigay yung feeling na yun virtually or spiritually sa mga supporters natin. It’s just different kasi ako naman kasi hindi ako singer actually. Sa kanila ako kumukuha ng energy. Kakaiba ngayon kasi wala na tayo masyadong tao, kahit yung mga staff natin dito ng concert ay bilang. Hindi puwedeng masyadong marami. Iba rin siya pero it’s more intimate. Nakikita mo rin kung ano yung puwede mong gawin,” he explained.

An upside to the virtual concert in times of pandemic is that DJ says he is happy to have more time to focus on the event. “Unlike before pag nag-ko-concert ako parang kung ano na yung nandun yun na yun eh kasi nag-re-rehearse ako nag-te-taping din ako. So hindi ko na rin nababantayan unlike now, meron tayong oras bantayan yung stage, kung ano bang magiging itsura ng stage, kung paano ba yung bagsak ng musika, pagdating din sa mga sounds natin. Nababantayan natin lahat. It’s different pero meron din siyang positive side. Malungkot lang kasi wala kayo doon para sumuporta ng lives sa akin. Pero ipaparamdam ko pa rin sayo na magkasama pa rin tayo. Yun naman ang goal natin dito sa concert na ito,” he shared.


As of this writing, DJ said he is still finding ways to allow a limited number of fans to attend his performance. “Sinabi ko hindi ba puwedeng mag-imbita tayo dito ng kahit ilang fans na habang kumakanta ako nandiyan lang din sila. Dahil iba eh, nung nag-re-rehearse ako na walang ibang tao naisip ko, ‘Kaya ko ba ito na walang ibang tao?’ Parang kahit iilan lang sila. Itong masususwerteng supporters ang papanuorin ko dito para may interaction din. Dahil iba yung may kinakantahan ka din. Para sa kanila yun. So ginagawan na namin ng paraan at inaayos na namin. Kanina ko lang rinequest kaya nagulantang sila. Ang pilit naming hinihingi si 15 to 20 fans. Inaayos pa namin kasi siyempre may mga procedures tayo di ba. Pero pinipilit ko yun na sana magawa para iba rin yung nandito sila nanunuod,” he said.

Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience tickets are available for purchase online via ktx.ph. Tickets are soldfor only P499 to experience this one-of-a-kind pre-holiday show.