• Home
  • Fresh Scoops
  • A Daniel Padilla Digital Experience performer Daniel Padilla reveals why he initially turned down the offer to do a virtual concert.

Daniel Padilla admits he didn’t want to do a digital concert

A Daniel Padilla Digital Experience performer Daniel Padilla reveals why he initially turned down the offer to do a virtual concert.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/10/2020 04:43 PM
Daniel Padilla admits he didn’t want to do a digital concert
Photo Credit: @supremo_dp Instagram

Daniel Padilla is currently preparing for his first-ever digital concert Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience exclusively happening on KTX.ph this coming Sunday, October 11. Daniel or DJ admitted that he was at first reluctant to do a virtual concert during the pandemic.

Tinanong ako kung gusto ko bang mag-concert ngayon. Ang totoong sagot ko ay ayoko ho talaga mag-concert muna kasi parang una, parang feeling ko nauubusan na ako ng kakantahin. Tapos wala akong energy na gawin yun ngayon. Siguro sa dami ng nangyayari, parang ‘Kaya ko bang mag-focus dito ngayon at saka kaya ko pa ba talaga kumanta? Kaya ko pa bang mag-handle ng isang concert?’ So sabi ko sa kanila ayoko muna talaga kasi yun nga yung nararamdaman ko nung time na yun. Pero nung kinagabihan, nag-iisip ako kung bakit ayoko. Iniisip ko yung sarili ko sa panahon ngayon, ako ba dapat yung iniisip ko? So pumayag na akong tanggapin dahil na-realize ko na hindi naman ito para sa akin,” he explained during his virtual presscon last October 6. 

DJ revealed that he is dedicating the concert to the Kapamilya employees and to his loyal fans. “Para ito sa mga taong makakasama ko sa concert na ito. Unang una yung mga staff na kasama namin. Alam niyo naman yung estado ng ABS-CBN ngayon so maraming nawala. Itong chance na may gawin kami na magkakasama kami, why not di ba? I would do it for them, na may magawa ulit kami habang bumabawi tayo at bumabangon. Pangalawa, kumusta na ba ang mga supporters natin ngayon, kumusta ang kondisyon nila, kumusta ang kondisyon ng mga pamilya nila di ba? So ipagdadamot ko pa ba sa kanila ito? Ipagdadamot ko pa iba yung ilang saglit ng kasiyahan nila na maramdaman nila na okay pa rin tayong lahat, na nandito pa rin kami na naghihintay lang din sa inyo na maging maayos ang lahat. Kaya I said ‘Let’s do it.’ Mang-inspire tayo ng mga tao , magbigay tayo ng hope. So yun naging core kaya pumayag at gagawin na natin ito,” he shared. 


Although he never imagined that he would be doing a virtual concert, DJ revealed why he has already chosen to embrace the new normal way of performing.

Siguro the experience itself, I think it’s a new gate to open, the digital world of concerts. Kahit ako gumagamay gamay pa rin ako sa digital dahil hindi ako masyado sa internet pero ngayon ito na siya, nasa harap na natin. Gusto lang natin buksan yung bagong gates, not just for me, para sa mga next na mag-ko-concerts pa and show that this is possible. It’s just a different experience pero it’s possible, Unang una, mas madali siyang buohin. Hindi mo kailangan maging isang superstar or big star kung sino ka man para gumawa ng isang concert for the people online. Lalo na yung mga tao they prefer online na rin sa lahat ng bagay eh. In terms of buying things, buying food, kung anu ano na lang, lahat pinapa-deliver na lang natin. So yung mga tao pagod na rin siguro sa biyahe tuwing may concert, paminsan puwede rin natin i-offer yung digital concert. Huwag naman natin ipagkait sa mga tao yun. Ganun lang siya. Parang ako kasi hindi ko rin alam kung ano maging experience nito eh. Pero kahit ako parang nine-nerbiyos sa magiging outcome. Pero siyempre gusto natin pagandahin yung music, gusto natin pagandahin yung show pati the stage and hopefully maging ganito na yung new normal sa lahat. Iba pa rin yung experience sa totoong concert. Kahit ako pag pinapili ako gusto ko manuod ng live. Siyempre sa live ako, gusto ko sila makita. Pero at least sa ganitong panahon, ginagawan pa rin natin ng paraan para sa mga tao,” he explains. 

 “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” tickets are available for purchase online via ktx.ph. Tickets are sold for only P499 to experience this one-of-a-kind pre-holiday show.