• Home
  • Fresh Scoops
  • Ramdam ngayon ni Charo Santos ang pananabik sa mga bagong kuwento na itatampok sa pagbabalik sa ‘Maalaala Mo Kaya’.

Charo Santos, aminadong na miss ang mga supporters ng ‘MMK’

Ramdam ngayon ni Charo Santos ang pananabik sa mga bagong kuwento na itatampok sa pagbabalik sa ‘Maalaala Mo Kaya’.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/10/2020 10:48 AM
Charo Santos, aminadong na miss ang mga supporters ng ‘MMK’
Photo credit: @charosantos Instagram and ABS-CBN Entertainment

Isa ang longest running drama anthology program ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya , sa mga programang kabilang sa pagbabalik sa free tv ng Kapamilya programa sa A2Z Channel 11.

READ: ‘It’s Showtime’ and ‘ASAP’ lead Kapamilya shows to be shown on A2Z channel 11

Kaya naman labis na pananabik ang nararamdaman ng host nito na si Charo Santos-Concio sa magandang balita na ito para sa mga Kapamilyang laging nanonoof ng MMK.


"Na-miss ko rin at na-miss ko 'yung loyal Kapamilya natin na sumusubaybay, nanonood ng 'MMK,” tugon ng actress at Maalaala Mo Kaya host sa We Rise Together nitong Biyernes.

Aniya, ikinataba ng kaniyang puso ang mga mensahe na natatanggap matapos ang magandang balita na ito para sa ABS-CBN.

“Natutuwa nga ako sa mga message na natatagpuan ko since the announcement that some of the ABS-CBN programs will be back on the air. So nakakatuwa,” sabi pa ni Charo.

Bukod sa pagbabalik ng MMK, sa telebisyon, isa rin sa naging bahagi ng kaniyang pakikipag kuwentuhan sa We Rise Together program ang mga bagay na pinagkaabalahan niya nitong panahon ng quarantine.

Isa na dito ang panonood niya ng ilan sa mga Korean dramas

RELATED VIDEOS: Charo Santos, aminadong fan girl ni Hyun Bin ng “Crash Landing on You” | PUSH Daily

"Nakakatuwa na 'Crash Landing [on You}' came at the right time. It provided the relief that everyone was looking for,” ani Charo.

At bukod rin sa mga naging libangan nitong quarantine period, naitanong rin sa TV host at former President ng ABS-CBN kung mayroon ba siyang mga karakter sa pelikula na hindi na niya kailanman ulit gagawin.

Kasunod ito ng naging desisyon rin ng former ABS-CBN executive na muling magbalik sa kaniyang passion sa pag-arte.

"Binabalikan ba ang nakaraan?” tugon ni Charo sa panayam.

Matatandaan na ilang critically acclaimed movies ang pinagbidahan ni Charo sa ilalim ng pangangalaga ng award winning director na si Lav Diaz kasama ang ilang premiere actors tulad nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa Ang Babaeng Humayo noong 2016 na sumungkit ng Golden Lion award sa Venice Film Festival.

Ang Panahon ng Halimaw taong 2018 kasama sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual at ang horror movie na Eerie kasama naman si Bea Alonzo.

“Alam mo lahat ng choices ko in the past may konteksto 'yon. Ang kuwento ng aking nakaraan ay kasama 'yon sa paghubog sa aking pagkatao. Siguro kung mas alam ko noon ang alam ko ngayon, siguro mas magiging mapili ako sa mga karakter na ginampanan ko,” aniya pa.

At sa pagbabalik ng Kapamilya shows sa bago nitong tahanan sa A2Z Channel 11, naitanong rin kay Charo kung ano ang kaniyang mensahe para kay Cardo Dalisay kung sakali naman na maging bahagi siya ng FPJ’s Ang Probinsyano na limang-taon na ngayong tinatangkilik ng mga manonood.

“Cardo, may pagkasapusa ka ba? Seriously speaking, siguro sasabihin ko 'Cardo, huwag kang mag-alala sa kahuli-hulihan ay magtatagumpay ang kabutihan sa kasamaan,’” pahayag pa niya.

Sa ngayon, looking forward na si Charo sa mga bagong kuwento na kanilang ihahatid sa pagbabalik ng MMK na mapapanood soon sa A2Z Channel 11.