• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Marjorie Barretto ang pinagkakalat na chismis ng dating broadcaster na si Jay Sonza na nagdadalang tao umano ang anak niyang si Julia Barretto.

Marjorie Barretto denies daughter Julia is pregnant

Pinabulaanan ni Marjorie Barretto ang pinagkakalat na chismis ng dating broadcaster na si Jay Sonza na nagdadalang tao umano ang anak niyang si Julia Barretto.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/21/2020 06:25 PM
Marjorie Barretto denies daughter Julia is pregnant
Photo credit: @juliabarretto IG

“Definitely not true.”

Ito ang agarang tugon ni Marjorie Barretto through Star Magic kasunod nang naglabasang chismis na buntis umano ang kanyang anak na si Julia Barretto.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It feels good when your kids cook for you.Julia’s new VLOG up on her channel. Link in my bio.❤️

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

 

Naging issue ito dahil sa ikinalat na chismis ng dating broadcaster na si Jay Sonza sa kanyang Facebook at sinabing nagdadalang tao si Julia at ang ama ay ang nali-link dito na aktor na si Gerald Anderson. 

“Dito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbunga,” sabi pa ni Jay sa kaniyang post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Birthday, Julia❤️ Watching you say #GoodByeTo22 is bittersweet for me. You have grown so much the past year. I learned so much about you and the person you have become, just by witnessing you overcome trials and judgements, pain of losing a loved one (Pikey) with so much strength and grace.You shut off from the outside world, worked harder than ever, focused on the goal, stayed close to me and your siblings, chose your battles and became wiser in choosing your circle of friends. You are STRONG, BRAVE, DETERMINED, HARDWORKING, PRAYERFUL, GENEROUS, LOVING and KIND and so ready to take on the world. I am blessed to have you as a daughter. Thank you for loving me so much. May you always continue to find comfort in the arms of our family. God bless you more this year, Jul. Your siblings and i are so PROUD of you!

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

 

“Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City. Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog,” direchahang pahayag pa nito.

Sa bahagi rin ng Facebook post, sinabi ng dating broadcaster na magkasama umano si Julia at Gerald nitong nagdaang lockdown.

Matatandaan na taong 2018, nagsimulang maugnay ang pangalan ni Julia Barretto kay Gerald Anderson na karelasyon noon ng aktres na si Bea Alonzo.

READ: Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson

Kasunod ng matinding kontrobersiya, mainit nang sinubaybayan ng tao ang kilos at galaw nina Julia at Gerald.