• Home
  • Fresh Scoops
  • Unti-unting bumabangon si Lance Busa sa naging epekto ng pandemya sa kaniyang karera.

Lance Busa, tuloy sa pag-explore ng career sa digital platform

Unti-unting bumabangon si Lance Busa sa naging epekto ng pandemya sa kaniyang karera.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/02/2020 02:37 AM
Lance Busa, tuloy sa pag-explore ng career sa digital platform
Photo credit: @misterlance_ IG

Hindi itinatangi ng dating Idol Philippines finalist na si Lance Busa na labis siyang naapektuhan sa paghagupit pandemya dulot ng COVID-19.

Sa ating panayam kay Lance, ikinuwento ng singer kung paano siya unti-unting bumabangon sa naging epekto sa kaniyang karera ng pandemya.

“I am doing all right as much as I can. I’m really trying to compose myself from all the anxiety, ang hirap na isipin ng wala na talaga kaming trabaho na hindi na kami maka perform on stage, it’s difficult. It’s very different and we all have to adjust,” bungad ni Lance sa panayam ng PUSH.


Kasabay ng unti-unting pagtanggap sa new normal, aminado ang singer na isa rin sa hamon na nilalabanan niya ngayon ay ang nararamdamang lungkot lalu pa at, mag-isa siyang naninirahan dito sa Maynila malayo sa kaniyang mga kaanak na nasa Butuan.

“Definitely, I’ve been getting sadness,” ani Lance.

Patuloy pa niya: “More than anything kasi parang ang hirap na lumabas. Ang hirap na pumunta ng mall para lang mag relax or something tapos iisipin mo na okay ka lang kahit hindi. Pero nagkakaroon ka kasi ng goal, nagkakaroon ka ng end point and may gusto kang abutin kaya that’s the reason why I keep going. Because of my family and my love ones na really important to me.”

Dahil sa naging pananamlay ng gigs at live performances na isa sa mga pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga singers, nanatiling positibo at buo ang loob ni Lance sa kaniyang dedikasyon sa pag-kanta.

Sa katunayan, tuloy-tuloy sa pagbibigay entertainment si Lance sa kaniyang social media platforms.

“I am open to anything, when it comes to opportunities. Hindi lang singing ngayon ang ginagawa ko, nakapag host na rin ako, with the help of KUMU, kasi KUMU is a platform na nakasali ako, kabilang ako and at the same time, I get to entertain them and at the same time also, I get to enhance my skill and my talent into perform pa rin sa social media,” kuwento pa niya.

Kasabay nga ng paghagupit ng pandemya, ay ang naging franchise denial rin para sa ABS-CBN. At bilang rising ABS-CBN talent, aminado si Lance na malaki ang naging epekto nito para sa katulad niyang nagsisimula pa lamang ng karera.

WATCH: Lance Busa - What You Won't Do For Love | Idol Philippines 2019 Auditions

“ABS-CBN has given me so much blessings, so much opportunities and hindi siya mapapantayan. ‘Yung tuwa ko, ‘yung dream ko na naabot ko ang maging Kapamilya. So I’m still praying na mabalik pa rin ‘yung ganun na maibabalik pa rin ang network, kasi naging home ko na siya, and it hurt so bad especially for us artists, yung staff kasi that’s our second home,” ani singer.

Dahil sa limitadong platform sa telebisyon, patuloy naman na ine-explore ni Lance ang mundo ng digital platform hanggang sa kaniyang mga awitin.

“Kung meron man po, puro online activities pa lang po ala naman po ibang network na lumalapit. To think about it, I’m really glad na I’m a kapamilya more than anything,” sabi pa niya.

At kahit na humaharap sa pagsubok, tuloy rin ang musical drive ni Lance na mayroon rin ngayong mga bagong ire-release na single.

“Right now I’m promoting my debut single ‘Sa Aking Mundo’ under Star Music composed and produced by Mr. Kiko Salazar and meron din po akong collaboration ang cover single na lalabas with Jason Steel, ‘Hindi Tayo Puwede’, its dropping on October 2.”

Sa huli, ibinahagi ni Lance ang tila ilan sa mga realizations niya sa loob ng halos anim na buwan na ngayong pagsubok.

“Ang realization ko with the situation is that, we only one life to live, and if there’s anything you want to do, Please, don’t waste time and regretting the things na hindi mo nagawa. Kung meron ka gusto sabihin sa isang tao, kung meron kang gustong aminin or di kaya meorn kang gustong gawin, try niyo lang. Wala namang mawawala. And na realize ko din na walang ibang gabay na mas malakas kaysa sa gabay ng panginoon. Yun ‘yung nagpapakapit sa akin. I have been through so much struggles in life and this one is by far the most tipong ang dami kong nagiging realizations and as I want to do a lot of stuff, I’ve got to compose myself and be here in the room. Just pray, for something good,” pahayag pa ni Lance.

Si Lance Busa ay unang nakilala bilang grand champion sa singing search ng American singer na si Micheal Bolton sa Bolt Of Talent noong 2017 bago lumaban sa unang Idol Philippines kung saan itinanghal siya bilang second runner up.

READ: Pinoy singer Lance Busa ikinwento ang pinagdaanan bago nanalo sa “Bolt of Talent”

At gaya ng marami ngayon, unti-unting bumabangon si Lance para abutin ang kaniyang mga pangarap.