• Home
  • Fresh Scoops
  • Together again para sa isang bagong proyekto sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa “The House Arrest Of Us”.

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, magbabalik tambalan para sa isang digital series

Together again para sa isang bagong proyekto sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa “The House Arrest Of Us”.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/29/2020 06:25 PM
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, magbabalik tambalan para sa isang digital series

Matapos kumalat ang mga retrato nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tila naghahanda sa isang kasalanan, binigyang linaw na ng KathNiel tandem ang tila espekulasyon na ito sa kanilang dalawa.

Sa exclusive interview kay Kathryn at Daniel ng TV Patrol nitong Martes ng gabi, inamin na ng KathNiel na next level na muli ang kanilang role sa proyekto.

“We’re getting married!” sabay na tugon nina Kathryn at Daniel sa panayam.


Patuloy pa ni Daniel, "Sa pinakabagong handog sa atin ng Star Cinema."

“The first ever digital series ang ‘The House Arrest of Us,” sambit naman ni Kathryn.

Ito ang muling pagbabalik trabaho nina Kathryn at Daniel after ng problema sa franchise renewal ng ABS-CBN at magkaroon ng COVID 19 pandemic.

Anila, kakaiba ang pakiramdam na mag-trabaho ngayong new normal.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

K💍N

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

“Kakaiba ang experience na parang andito kami sa isang village style subdivision para kaming nasa isang, walang puwedeng lumabas, walang puwedeng pumasok. So kami kami lang talaga ang andito,” ani Kath.

Dahil magkakasama sa isang location, nakikilala ng mabuti ng tandem ang mga kasamahang bituin na naka lockdown rin ngayon sa set kasama nila.

Kabilang na dito sina Gardo Versoza, Dennis Padilla, Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista at iba pa.

 

 

Kuwento ni Kathryn, dapat rin abangan ang bawat karakter sa “The House Arrest of Us”, na isang 13 part series.

“Riot, as in!” masayang sabi ni Kathryn. 
“Ang Interesting niya kasi magkakaiba ang personalities naming lahat ‘pag nagsama-sama, my god, riot dito sa set (laugh) hindi na nga namin namamalayan na sobrang maingay na kami,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Daniel, challenging man ang kanilang pagbabalik trabaho, itinuturing nila itong espesyal na handog para sa mga kababayang naghahanap ng entertainment ngayong panahon ng pagsubok.

“Kaya naman namin ginawa ito ay dahil gusto naming bigyan ng kasiyahan ang mga tao ‘di ba? Ngayon sa panahon natin na ang daming binibigay na pagsubok, problema, gusto namin magbigay ng ngiti,” pahayag ng aktor.

Ang “The House Arrest of Us” ay hindi prequel o sequel ng blockbuster movie na “The House Of Us” ng KathNiel noong 2018, na huling proyekto din na kanilang pinagsamahan.

Mapapanood ang “The House Arrest of Us” sa KTX.ph at iWant TFC simula ngayong October 24.