• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin Nievera, magiging ninong sa kasal nina KZ Tandingan at TJ Monterde

Martin Nievera, magiging ninong sa kasal nina KZ Tandingan at TJ Monterde

Live na tinanong ng soon-to-be-married couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde si Martin Nievera na maging ninong sa kanilang kasal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/9/2020 12:18 PM
Martin Nievera, magiging ninong sa kasal nina KZ Tandingan at TJ Monterde


Tinanggap ni Concert King Martin Nievera ang alok na maging ninong sa kasal ng soon-to-be-married couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde. Sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, January 8, live sa TV na tinanong ni KZ ang kaniyang tatay-tatayan para maging godfather sa kanilang paparating na kasal.

“I would be honored,” sagot ni Martin na ikinakilig rin ng mga momshie hosts.

Paliwanag ni KZ, parehas nila ni TJ na iniisip na isama si Martin sa kanilang mga ninong.

“Si Sir Martin talaga 'yung isa sa mga tao na sobrang ino-honor namin ang mga sinasabi niya. He always means well. Kapag may mga nagagawa kaming dapat i-correct, sinasabi niya talaga. Kahit hindi kami nagkikita, magme-message iyan or tatawag iyan. Kapag alam niyang may pinagdadaanan kami, he always finds a way to encourage you and to remind you of your worth.

“'Yung kasal namin, ayaw namin ng showbiz. Pero nung nagde-decide kami kung sino 'yung gusto namin na nandoon, pareho namin naisip si Sir Martin,” paliwanag ng singer na halos maging emosyonal.

Panoorin dito.

Nag-iwan naman ng payo si Martin para kina KZ at TJ, bilang isa sa mga local singer na ikinasal din sa kapwa singer noon.

“It’s not the wedding. It’s the marriage. You really have to take care of the marriage. And take care of your careers. Kailangan ikaw ang number one fan niya, and ikaw ang number one fan niya,” payo ni Martin sa dalawa.

READ: WATCH: KZ Tandingan reminisces sweet moments with fiancé TJ Monterde in birthday video greeting

Nagpo-propose si TJ nitong December 30, 2019, sa mismo niyang birthday celebration. Limang taon na silang magkarelasyon.