• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilan sa kanila ay ang hiling para sa kanilang pamilya ang dalangin sa kanilang pananampalataya.

Iba’t ibang personalidad na namamanata sa Itim na Nazareno ng Quiapo

Ilan sa kanila ay ang hiling para sa kanilang pamilya ang dalangin sa kanilang pananampalataya.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/09/2020 11:01 AM
Iba’t ibang personalidad na namamanata sa Itim na Nazareno ng Quiapo

Ngayong panahon ng Kapistahan ng Quiapo, iba’t ibang personalidad ang ibinahagi ang tila milagro ibinigay sa kanilang buhay ng poon ng itim na nazareno ng Quiapo.

Ilan sa kanila ay ang hiling para sa kanilang pamilya ang dalangin sa kanilang pananampalataya.


Isa na dito si Jennifer Cruz na nakilala sa showbiz bilang si Ina Alegre, kuwento niya nag-aaral pa lang siya ng sinimulan niya ang kaniyang panalangin sa itim na nazareno ng Quiapo.

“Nag iilaw kasi ako sa isang sinehan papuntang Cubao yun yung ano tapos wala talaga ako kapera pera. Nadadaanan ko ang simbahan ng Quiapo, tapos balitang balita na basta magsimba ka lang sa Quiapo kung ano hiniling mo makukuha mo, Sabi ko ‘Lord wag ko naman sana maranasan ang sobrang hirap bigyan mo naman ako kahit konti’,” aniya sa panayam.

Baon ang tyaga at pursugido, umangat ang kaniyang buhay sa pagsisimula niya Sa showbiz.

“After ko magsimba siguro mga two weeks after may nag offer sa akin for pictorial sabi ko ay totoo pala! May diyos pala talaga! Doon na nag start ang pagiging model ko tapos may nag offer sa akin sa pag aartista pa extra extra noon tapos ganun pa man hindi na ako huminto,” pahayag pa ng dating aktres.

Ang Star Music Artist naman na si Janah Zaplan na sa kaniyang murang edad, ibinigay agad ang dalangin mula sa poon ng Nazareno.

“Kasi po si mama doon siya sa Quiapo nagta-trabaho lagi siya dumadaan doon sa simbahan at nagdadasal hanggang sa nakagawian niya na ganun ang deboto nya kay black nazarene at dahil po doon naipasa nya sa amin pamilya ang paniniwala,” tugon niya sa panayam.

Aniya, isa sa kaniyang dalangin ang natupad ang nalagpasan ng kaniyang pamilya ng dumaan ang pagsubok sa kanilang pamilya.

“Nagkaroon si mommy ng cancer at pareho po ang pinagdadaanan nila ni daddy yun po talaga ang pinagdadasal ko, at thankful po ako na naglapasan po namin ‘yun sa tulong ng black nazarene,” pahayag pa ni Janah.

Tulad ni Ina at Janah, panalangin rin ang kinapitan ng “It’s Showtime” dancer na si Neri Lopera nang minsan nanganib ang buhay ng kaniyang nakababatang kapatid.

“Sobrang emotional ko po pag pinaguusapan ang kapatid ko, noong time na ‘yun hiling ko lang ‘Lord wag mo naman kunin sa amin ang kapatid ko’,” aniya sa panayam.

Bilang Ate, at ulila sa kaniyang mga magulang, inilapit ni Neri ang kaniyang panalangin sa itim na nazareno ang kaniyang hiling.

“Gagawin ko lahat, para lang gumaling ang kapatid ko, thank god kasi ngayon normal na ang kapatid ko at naniniwala ako na dahil ‘yun sa paniniwala ko sa poon ng nazareno,” pahayag ni Neri.

Gaya nila Ina, Janah, at Neri, kabilang rin sina Mccoy De Leon, Angelin Quinto at Coco Martin sa mga personalidad na patuloy ang panalangin sa poon ng itim na Nazareno ng Quiapo.

READ: Famous people who are Black Nazarene devotees

READ: Angeline Quinto ikinuwento kung paano nag-umpisa ang pagiging deboto ng poong Nazareno