• Home
  • Fresh Scoops
  • Roles ni Coleen Garcia sa mga proyekto, aprubado ni Billy Crawford

Roles ni Coleen Garcia sa mga proyekto, aprubado ni Billy Crawford

Magandang simula ng 2020 para kay Coleen Garcia na bida ng pelikulang Mia kasama si Edgar Allan Guzman.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/8/2020 12:15 PM
Roles ni Coleen Garcia sa mga proyekto, aprubado ni Billy Crawford


Photo credit: @billycrawford IG

Magandang simula ng 2020 para kay Coleen Garcia na bida ng pelikulang Mia kasama si Edgar Allan Guzman.

Matagal at na miss ng showbiz media si Coleen kaya’t nilinaw niya agad ang mga isyu na naglabasan sa kanila ni Billy Crawford tungkol sa kanilang buhay bilang mag-asawa.

Isa na dito ang unhappy married life nila ng mister.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

DXB šŸ‘ŠšŸ¼with the boss!

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

 

“Mukha ba ako malungkot? (Laughs) Naka-orange nga ako eh! No, it’s just that they haven’t seen me that often anymore so they can only guess. Ang hirap din ng ‘di mag-a-update. I don’t know. I just felt that I really needed this time of silence for myself,” paglilinaw ni Coleen.

Ayon pa sa aktres, malaki na ang improvement ni Billy sa pinagdaanan nitong pagsubok noon sa kanyang naging problemado sa labis na pag-inom.

“He’s always had a temper, I also have a temper as well but it’s something that we can work on  mean since we got married and since he quit drinking alcohol. For more than a year now talagang ibang ibang tao na siya ngayon,” sabi pa ng misis ni Billy.

At sa naging pagtanggap niya ng proyekto, malaking bahagi rin daw ang pagpayag ni Billy na gawin niya ang pelikula.

“He is also a big factor sa pag accept ko ng project because he told me nga na magandang project siya and you know it’s really important na if you have a partner na you both believe in each other” pahayag pa ni Coleen.

Showing na ang pelikulang Mia sa January 15.