PBB Big Winner Yamyam Gucong, negosyante na

Pangarap ni Yamyam Gucong na magkaroon ng branch dito sa Manila ang kaniyang Yamito’s bakeshop.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/8/2020 10:09 AM
PBB Big Winner Yamyam Gucong, negosyante na


Photo credit: @gucongyamyam IG

Ibinahagi ni Pinoy Big Brother Big Winner Yamyam Gucong ang kaniyang bagong bukas na negosyo sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, January 7.

Sa Bohol itinayo ang unang branch ng Yamito's Bakeshop. Ayon sa komedyante, pangarap niya ring magbukas pa ng maraming branch dito sa Maynila.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Baker sibling😍#yamitosbakeshop Start small think big🙏

A post shared by Yamyam Gucong (@gucongyamyam) on

 

Kamakailan ay napabalita rin ang pagbili ni Yamyam ng brand new car kasama ang kaniyang ama.

READ: Yamyam Gucong, ibinida ang kanyang brand new car

Bilang breadwinner ng kaniyang pamilya, naging isa sa mga sakripisyo ni Yamyam ang kaniyang pag-aaral.

"Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket e, yung blessings. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year, babanat," pahayag ni Yamyam na kasalukuyang pinag-aaral ang mga kapatid.

Dagdag ng PBB winner hindi niya nararamdaman ang pressure sa pagiging breadwinner.

"Kasi kusa ko talaga itong ginagawa kasi ganito ko sila kamahal. Atsaka ayokong makita sila nang gaya ng dati na mahihirapan o makita ko silang umiiyak dahil sa gutom," paliwanag ni Yamyam.

Mapapanood si Yamyam sa Home Sweetie Home: Extra Sweet tuwing Sabado sa Kapamilya network.