Herbert Bautista, bibida sa ‘Make It With You’

Matapos ang anim na taon, nagbabalik telebisyon ang dating Quezon City mayor at aktor na si Herbert Bautista para sa bagong Kapamilya teleserye na “Make It With You”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/8/2020 1:15 PM
Herbert Bautista, bibida sa ‘Make It With You’


Matapos ang anim na taon, nagbabalik telebisyon ang dating Quezon City mayor at aktor na si Herbert Bautista para sa bagong Kapamilya teleserye na “Make It With You.”

Sa bagong teaser ng romance-drama na ipinagbibidahan ng sikat na love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil, ipinakilala si Herbert bilang ama ni Billie (Liza), isang free-spirited at masipag na OFW na base sa Croatia, kung saan makilala nito ang homeless man na si Gabo (Enrique).

Bukod kay Herbert, parte rin ng teleserye sina Fumiya Sankai, Katya Santos, at Vangie Labalan. Maging ang kapatid ng aktor na si Hero ay kabilang din ng nasabing show.

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, ipapalabas ang “Make It With You” simula Lunes, Enero 13.