• Home
  • Fresh Scoops
  • Heaven Peralejo, masaya sa ina na apat na taon nang cancer-free

Heaven Peralejo, masaya sa ina na apat na taon nang cancer-free

Natupad ni Heaven Peralejo ang pangarap na mag-early retirement ang ina nang maging breadwinner siya ng pamilya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/8/2020 10:13 AM
Heaven Peralejo, masaya sa ina na apat na taon nang cancer-free


Photo credit: @heavenperalejo IG

Proud bilang breadwinner ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo, lalu na't natupad niya ang pangarapna patigilin sa pagta-trabaho ang kaniyang ina.

Sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, January 7, ikinuwento ni Heaven na may apat na taon nang cancer-free ang kaniyang ina.

"Kasi po nagkaroon na siya ng dalawang cancer. And yung cancer po cause po yan ng stress na nakukuha niya sa work. Kaya naging goal namin before ako mag-artista, na mag-early retirement [siya]," kuwento ni Heaven.

Si Heaven ang sumagot sa pagpapagamot ng ina noong nagka-cancer ito. Sa ngayon, laging kasama ni Heaven ang ina na ayon sa aktres ay binibigyan niya ng 20% o minsan ay 50% ng kaniyang kita sa mga raket.

READ: Heaven Peralejo, ibinida ang matching tattoos nila ng ina

 

 

Bilang breadwinner, aminado si Heaven na may pressure sa kaniya.

"Yes may pressure, pero yung kami ni mom pinag-uusapan namin—open kasi kami sa isa't-isa. So tinutulungan niya ako sa finances. Sinasabi niya, 'Okay, alam mo maganda mag-SSS tayo, mag-plan tayo for the future.'

"So pag naka-ready ka na sa mga bagay, alam mo na kahit anong mangyari worse comes to worst, ready ako," paliwanag ni Heaven.