• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kilalanin ang nag-viral na meat vendor ng Pasig, Albert Bordeos

EXCLUSIVE: Kilalanin ang nag-viral na meat vendor ng Pasig, Albert Bordeos

Matagal na daw si Albert Bordeos tumutulong sa magulang sa palengke kaya ito nagulat na nag-viral siya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/8/2020 11:35 AM
EXCLUSIVE: Kilalanin ang nag-viral na meat vendor ng Pasig, Albert Bordeos


Nagulat ang Univesity of Santo Tomas HRM student at player ng UST Growling Tigers Albert Bordeos nang biglang mag-viral ang kanyang mga photos habang natitinda siya ng karne sa palengke ng Pasig few days ago.

“Nakakagulat po kasi matagal naman na po akong nagpupunta at tumutulong doon sa palengke. Noong bago po mag-New Year, ang dami pong tao talaga, hindi ko po napansin kung sino po yung kumuha ng picture. Tapos po nung umaga na po pagkauwi namin galing palengke, ang dami pong messages sa akin nahinahanap daw po ako sa online,” kuwento ng 21 year old meat vendor sa PUSH.

Isang nagngangalang Bob Ong ang kumuha ng kanyang mga larawan sa palengke at nag-post nito sa social media.

“Nakakatuwa lang din po kasi po na-appreciate po nila yung simpleng buhay po namin. Ito po talaga (pagtitinda ng karne) ang business at source of income ng parents ko.

“Matagal na po kaming may pwesto sa palengke. Nagpupuyat po sila sa palengke gabi-gabi para masuportahan po kaming magkakapatid, kaya po pag wala akong training sa UST at off season po, umuuwi po talaga ako sa Pasig para makatulong sa kanila.

“Kahit po puyat saka mainit sa palengke, ayos lang po, kasi yon na rin po yung bonding namin ng pamilya saka po yon lang po ang paraan ko para makatulong sa kanila,” patuloy niyang kuwento.

Mas dumami ba ang kanyang admirer na gays and girls after mag-viral ng kanyang photos sa internet?

Sagot ng binata, “Tinitingnan ko po at binabasa ko po lahat ng mga comments nila sa social media po. Until now po, hindi pa tumitigil yung notifications ng friend requests po saka mga nag cha-chat po. Hindi ko naman po masabi na admirers, siguro po gusto lang makipag kaibigan.”

Nakakatanggap na rin ba siya ng mga indecent proposals from gays or girls ngayon?

“Mayroon pong mga nagme-message na ganon po, pero hindi na lang po ako nagre-reply, kasi po yung iba medyo bastos na po. Kesa po magalit po ako, di ko na lang po iniintindi, baka po ganon lang ang way nila sa pag-express ng admiration nila. God bless na lang po sa kanila,”r eaksyon pa niya.

May balak ba siyang pasukin ang modeling or showbiz?

“Kung may opportunity po puwede naman pong subukan. Pero po for now, naka-commit po ako sa UST. Mayroon pa po akong three playing years. Gusto ko po pagbutihan (ang paglalaro) para po makatulong sa team ko sa kahit anong paraan pong kakayanin ko.

“Kung may chance po sa showbiz pwede ko po siguro subukan din ang pag-acting po saka pag-modelling,” sagot ni Albert.

Nang tanungin namin si Albert kung sino ang kanyang showbiz crush ay isang pangalan lang ang kanyang binanggit.

“Sa local celebrity po si Jane De Leon po.”