• Home
  • Fresh Scoops
  • What to expect with Catriona Gray’s wax figure at Madame Tussauds

What to expect with Catriona Gray’s wax figure at Madame Tussauds

Si Catriona Gray ang pangalawang Filipina na nagkaroon ng wax figure sa sikat na wax museum.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/7/2020 12:58 PM
What to expect with Catriona Gray’s wax figure at Madame Tussauds


Photo credit: @catriona_gray on Instagram

All smiles si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa kaniyang unang araw sa It’s Showtime kung saan isang buong lingo siya magiging bahagi ng programa.

 

 

Extra special din ang kaniyang pagbisita sa “It’s Showtime” dahil kasabay ng kaniyang 26th birthday at paglulunsad ng kaniyang wax figure sa sikat na Madame Tussauds sa Bangkok, Thailand.

Si Catriona ang pangalawang Filipina na nagkaroon ng wax figure sa sikat na wax museum.

Ayon sa 2018 Miss Universe, wala pa siyang idea kung ano ang kakalabasan ng kaniyang was figure.

 

 

“I’ve actually known for a couple of months now. [I haven’t seen it yet] but I did get measured for it. It’s kind of freaky in a way to think that there’s going to be a wax figure na mukha ko,” aniya.

“But it’s very flattering especially that so many fans and supporters around the world can go and do the lava walk with me in Madame Tussauds. I am excited to launch that with them and I am very honored to be able to represent the Philippines in that level too.”

Kuwento ni Catriona, hands on siya sa ibang detalye dito kabilang na ang damit na likha ng Filipino Designer na si Mak Tumang. 

“Mayroon akong contribution but the interactive aspect is to do the lava walk with me. I am so excited for that,” pahayag ni Cat.

March ng 2019 nang ilunsad sa publiko ang wax figure ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na naka display sa Madame Tussauds sa Hong Kong.