• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, ipinaliwanag ang maagang pagtatapos ng ‘Starla’

Judy Ann Santos, ipinaliwanag ang maagang pagtatapos ng ‘Starla’

Mapapanood ang huling gabi ng ‘Starla’ ngayong January 10.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/7/2020 2:53 PM
Judy Ann Santos, ipinaliwanag ang maagang pagtatapos ng ‘Starla’


Sa finale media conference ng Starla, binigyang paliwanag ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos kung bakit mabilis magtatapos ang pinagbibidahang primetime series.

“When they presented Starla to me, talagang 1 season lang siya, at that time kasi, masyado nang napapagod ang mga tao sa mahahabang teleserye,” tugon ni Juday sa panayam.

Matatandaan na tumagal lamang ng mahigit sa apat na buwan ang programa na nagsimulang napanood noong Oktubre ng 2019.

READ: Judy Ann Santos, handa nang putaktihin ng bashers sa ‘Starla’

“So when they presented Starla to me, aaminin ko tinanong ko sila, ‘one season lang ba talaga ‘to?’ Kasi ‘pag halimbawang bumababa ang rating ng teleserye, ang bagsak naman noon, hindi sa istorya, sa artista,” aniya.

Pagbibiro pa ng aktres, “Tinanong ko kung may diary at kuwintas na hahanapin, wala star lang talaga, so, okay na ako,” masayang tugon ni Juday.

“Though, marami pang pwedeng gawin with the story, but ang ganda na nung latag e, nung pag-present pa lang sa akin, buo na ‘yung istorya may ending na talaga.”

At sa pagtatapos nang Starla nais raw tutukan ni Judy Ann ang kaniyang mga anak bago muling sumabak sa panibagong proyekto ngayong taon.