Sa unang linggo ng 2020, ibinida ng aktres na si Barbie Imperial ang kanyang bikini body.
Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, makikitang nakasuot ng asul na two-piece swimsuit ang 21-year-old star.
Sa ngayon ay may higit 260,000 "likes" na ang nasabing post post, at marami ang mga komento ng paghanga mula sa kanyang kapwa-artista.
Huling napanood si Barbie sa iWant Original Movie na "You Have Arrived" bilang si Dani.