• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, nag-abot ng donasyon para sa mga apektado ng Australian bushfires

Joshua Garcia, nag-abot ng donasyon para sa mga apektado ng Australian bushfires

Ibinahagi ni Paulo Avelino ang pagbibigay ng donasyon ni Joshua Garcia para sa mga apektado ng Australian bushfires.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/5/2020 12:07 PM
Joshua Garcia, nag-abot ng donasyon para sa mga apektado ng Australian bushfires


Pinasalamatan ng kapwa aktor na si Paulo Avelino ang kusang pagbibigay ng donasyon ni Joshua Garcia para sa nagaganap na kalamidad ngayon sa Australia.

Sa Twitter post ni Paulo, sinabi niya, “Thank you @iamjoshuagarcia (Joshua) for being a kind hearted soul not just locally but globally. Hindi lang tayo puro tanggap, tumutulong din tayo," kasama ang isang screenshot na nagpapakitang may nagbigay ng $500 para sa sa charity.

 

 

Nasa kalagitnaan ng malawakang bushfires ang malaking bahagi ng Australia ngayon na ayon sa balita ay nagsimula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon. Nabahala ang maraming netizens matapos kumalat ang mga larawang nagpapakita ng pinsalang nadudulot nito sa mga hayop, at ang mga taong nakatira dito.