Pinasalamatan ng kapwa aktor na si Paulo Avelino ang kusang pagbibigay ng donasyon ni Joshua Garcia para sa nagaganap na kalamidad ngayon sa Australia.
Sa Twitter post ni Paulo, sinabi niya, “Thank you @iamjoshuagarcia (Joshua) for being a kind hearted soul not just locally but globally. Hindi lang tayo puro tanggap, tumutulong din tayo," kasama ang isang screenshot na nagpapakitang may nagbigay ng $500 para sa sa charity.
Thank you @iamjoshuagarcia for being a kind hearted soul not just locally but globally. Hindi lang tayo puro tanggap, tumutulong din tayo. @JTarasek #AUSTRALIANBUSHFIRES #australiaisburning #AustraliaOnFire pic.twitter.com/PeFOovc7Po
— Paulo Avelino (@mepauloavelino) January 4, 2020
Nasa kalagitnaan ng malawakang bushfires ang malaking bahagi ng Australia ngayon na ayon sa balita ay nagsimula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon. Nabahala ang maraming netizens matapos kumalat ang mga larawang nagpapakita ng pinsalang nadudulot nito sa mga hayop, at ang mga taong nakatira dito.
Let’s talk about what’s happening in Australia, which is suffering its worst bushfire season in recorded history.
— Bookdigger Jim____CO2 @ 412 parts per million (@goodoldcatchy) January 2, 2020
This almost unimaginable catastrophe has killed half a billion animals and released over 250 million tonnes of CO2 so far.#AustraliaBurningpic.twitter.com/MAmLfcpaq1
FROM AUSTRALIA TO NZ?
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) January 2, 2020
Makikita sa satellite image na ito ng NOAA ang pag-ihip ng hangin sa bushfire smoke mula Australia patungong New Zealand. NOAA via @Reuters pic.twitter.com/iFMdnp2f5D