• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joem Bascon, lalong napahanga sa galing ni Judy Ann Santos sa pag-aarte

EXCLUSIVE: Joem Bascon, lalong napahanga sa galing ni Judy Ann Santos sa pag-aarte

Mas lumalim pa daw ang pag-aarte ni Judy Ann Santos ayon kay Joem Bascon

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/5/2020 12:37 PM
EXCLUSIVE: Joem Bascon, lalong napahanga sa galing ni Judy Ann Santos sa pag-aarte


Ayon sa kuwento ni Joem Bascon, una niyang nakatrabaho si Judy Ann Santos sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) bilang magkapatid. Nasundan ito ng teleseryeng Habang May Buhay at pelikulang Kusina.

Muling nakasama ni Joem si Juday sa primetime series ng ABS-CBN na Starla at aminado ang aktor na mas lalo itong gumaling bilang aktres kumpara nung mga huling projects na nakatrabaho niya ito.

“Ngayon kasi… iba kasi yung Judy Ann before nung nakatrabaho ko siya kasi wala pa siyang anak, wala pa siyang asawa. I guess, ang tao talaga yung maturity sa buhay nag-i-exude din talaga sa kamera, eh. Meron din talagang nagbabago sa acting, sa pananaw sa buhay kasi nganagka-baby siya, nag-asawa, so iba na yung mga pananaw, yung views nya, yung nararamdaman niya kapag umaarte.
 
“Nag-evolve talaga siya into something na sobrang galing, ‘di ba? Kasi ang galing na niya before, gumaling pa siya lalo, kumbaga nagkaroon pa siya ng iba’t ibang layers,” deskripsyon ni Joem sa aktres.

Napaka-epektibo din daw ni Judy Ann sa first offbeat role na ginagampanan niya sa Starla bilang mataray na abogado.

“Kahit ako, natatakot ako sa kanya kapag umaarte na siya, eh. Kapag inuutusan na niya ako sa eksena. Kasi talagang… alam n’yo naman si Juday kapag into character, in character talaga siya. Hindi naman siya yung half-baked langna ginagawa,” kuwento pa ng aktor.

Sa Starla ay ginagampanan ni Joem ang karakter ni Dexter nasa simula ng serye ay mabait pero sa bandang huli ay lumabas ang pagiging greedy at kasamaan ng ugali.

“Actually, ayaw naman talaga naming gawing kontrabida yung character kasi kung bakit siya naging ganun meron namang pinanggalingan. Perona-enjoy ko yung character ko.

“Yung iba takot silang tumanggap ng kontrabida roles pero ako hindi. Excited ako pag may offer sa aking ganyan kasi mas natsa-challenge ako. Nailalabas ko talaga yung pagiging hindi ako.

“Hindi naman sa naa-unleash yung the other side of me, ano lang, kumbaga masarap din minsan to experience those emotions na hindi mo madalas ginagawa,” paliwanag pa ni Joem sa PUSH.