• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw ni Coleen Garcia ang matagal nang usapang may tampuhan sila ng dating kasamahan sa ‘It’s Showtime’ na si Anne Curtis.

Coleen Garcia, nais nang tuldukan ang isyu sa kanila ni Anne Curtis

Nilinaw ni Coleen Garcia ang matagal nang usapang may tampuhan sila ng dating kasamahan sa ‘It’s Showtime’ na si Anne Curtis.

BY
Kiko Escuadro
Follow me on Twitter: Kiko Escuadro

FRESH SCOOPS

01/05/2020 10:24 AM
Coleen Garcia, nais nang tuldukan ang isyu sa kanila ni Anne Curtis

Balik-eksena sa pelikula ang former “It’s Showtime” host na si Coleen Garcia para sa kaniyang upcoming movie na “Mia” kasama si Edgar Allan Guzman.

Dito, hindi naiwasan ang na muling maitanong ng entertainment press kung posible pa rin ba na magbalik siya sa Kapamilya noontime show kung saan minsan siyang naging bahagi ng programa.

“To promote or to guest, but ‘yung mag mainstay again, I’m not sure. I mean if it’s on the table and that’s something that I would probably have to consider. But right now, I’m enjoying kasi ang dami kong nagagawa rin,” tugon niya sa press.


Matatandaan na taong 2016 noong kinumpirma ng TV host actress na hindi na siya bahagi ng Kapamilya noontime show sa hindi malinaw na dahilan.

READ: Coleen Garcia confirms she’s no longer part of “It’s Showtime”

Dahil dito, isa rin sa umugong na mga rason ang espekulasyon na iringan umano nila ng mainstay host na si Anne Curtis.

Paglilinaw ni Coleen: “Never kami nagka anything (iringan) I mean she even invited me sa BLK in Australia after everything. I don’t know siguro mga tao lang gumagawa ng drama. I mean it’s always exciting when there’s drama but with us, never naman nagka-fight, tampuhan or anything,” aniya sa panayam.

Aware rin daw ang TV host-actress sa mga naglabasan na isyu sa pagitan nila ni Anne.

“Yeah, but noong time na ‘yun kasi ang dami e, ang daming isyu na lumalabas. It was just that. Although, I did adjust with these before as far as I remember. Actually noong nawala ako sa ‘Showtime’ isa siya sa unang nagtext sa akin.”

At kung ilalarawan ang kanilang relasyon ngayon ni Anne: “Very good. Alam mo ‘yung parang you’re all like settled down and you’re all married, parang you all kind of shared a similar mindset also di ba? So parang andon kaming lahat ngayon sa ‘Showtime’, sina Jhong (Hilario) Ryan (Bang) nalang ata and si Vice ang hindi ikinakasal e’.

“But anybody else, nagma-mature na kaming lahat. We’re kind of all in the same page with some things.”

Sa ngayon, tuloy-tuloy sa pag promote si Coleen ng “Mia” na mapapanood na sa mga sinehan ngayong January 15.