• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, Alex Gonzaga, Jo Koy, Rachelle Ann Go, pasok sa Eastwood City Walk of Fame

Catriona Gray, Alex Gonzaga, Jo Koy, Rachelle Ann Go, pasok sa Eastwood City Walk of Fame

Naglabas ng listahan si Frederico Moreno, ang presidente ng Eastwood City Walk of Fame, ng mga pangalan ng personalidad na magiging bagong inductees.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/5/2020 11:59 AM
Catriona Gray, Alex Gonzaga, Jo Koy, Rachelle Ann Go, pasok sa Eastwood City Walk of Fame


Sa inilabas na listahan mula sa Facebook post ng kasalukuyang president ng Eastwood City Walk of Fame na si Federico Moreno, pinangalan ang mga personalidad na pasok sa mga bago nilang inductees.

Kasama sa listahan sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, ABS-CBN weather anchor Kim Atienza, DZMM Achor Jun Banaag, FPJ's Ang Probinsyano actor Edu Manzano at marami pang iba.

Pasok din sa listahan ang Kapamilya actress at YouTuber na si Alex Gonzaga na nasa ilalim ng bagong kategorya na Social Media.

Gaganapin sa January 12, 2020 ang opisyal na pagkilala sa mga nakalistang personalidad. Uuwi mula sa ibang bansa sina Rachelle Ann Go at Jo Koy, para dumalo at tanggapin ang naturang pagkilala.

Ayon din sa naturang announcement, dadalo rin ang bilang Guest of Honot si Mayor Isko Moreno.