• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Oo. Masakit ulit’: JC Santos at Bela Padilla, nagbabalik tambalan

‘Oo. Masakit ulit’: JC Santos at Bela Padilla, nagbabalik tambalan

Muling aabangan ang tambalan nina JC Santos at Bela Padilla sa isang romantic drama movie na ‘On Vodka, Beers, and Regrets.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/4/2020 1:02 PM
‘Oo. Masakit ulit’: JC Santos at Bela Padilla, nagbabalik tambalan


Nagbabalik tambalan sina JC Santos at Bela Padilla para sa bagong pelikula na On Vodka, Beers, and Regrets. Inilabas ng Viva Films sa YouTube nitong January 3, ang unang teaser video para sa bagong romantic drama movie.

"Si Bela. Si JC. Ulit. Oo. Masakit ulit," ayon sa description ng naturang teaser video, kung saan ay official soundtrack ang rendition ni Raphaiel Shannon ng kantang 'Mundo'.

Maaalalang ito na ang pangatlong pelikula na pagtatambalan ng dalawa, matapos ang 100 Tula Para Kay Stella noong 2017 at The Day After Valentines noong 2018 naman.

Ang bagong pelikula nina JC at Bela ay mula sa direksyon ni Irene Villamor, ang naging direktor ng Meet Me in St. Gallen at Sid & Aya: Not a Love Story.

Ipapalabas ang On Vodka, Beers, and Regrets sa February 5.