• Home
  • Fresh Scoops
  • Management team, malaking hamon sa relasyon nina James Reid at Nadine Lustre

Management team, malaking hamon sa relasyon nina James Reid at Nadine Lustre

Nanatailing tikom sina James at Nadine kasunod nang napabalitang hiwalayan nila nitong Bagong Taon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/4/2020 12:21 PM
Management team, malaking hamon sa relasyon nina James Reid at Nadine Lustre


Photo credit: @nadine IG

Hindi itinanggi ni James Reid na isa sa malaking hamon sa kanilang relasyon ngayon ng girlfriend na si Nadine Lustre ang pagkakaroon ng magkaibang management team.

Matatandaan na sa huling bahagi ng 2019 nilisan ni James ang VIVA Artist Agency, ang management team nila ng girlfriend na si Nadine.

READ: James Reid reportedly leaves VIVA

Kasunod nito ang tila kawalan na ng pag-asa ng JaDine fans na makita pa sa isang proyekto sina James at Nadine na huling napanood sa pelikulang “Never Not Love You”.

WATCH:

Mas lalong umugong ang pagkakalabuan ng tambalan ng Jadine nang ipinakilala ang bagong kapareha ni James sa kaniyang upcoming project, si Nancy ng Korean girl group na MOMOLAND.

READ: MOMOLAND member Nancy to work with James Reid for a teleserye

Sa huling panayam ng PUSH kay James sa kanyang product endorsement, inamin nang aktor na hamon sa kanila ni Nadine ang muling pagsasama sa proyekto.

“Currently yes, I admit it’s challenging but, we’re trying to work things out,” maikling tugon ni James sa isa sa mga naging panayam ng PUSH.

READ: Fans defend Nadine Lustre and James Reid over breakup issue

Sa kasalukuyan, kapwa tahimik sina James at Nadine sa estado nang kanilang relasyon matapos ang napabalitang hiwalayan nila nitong Bagong Taon.