• Home
  • Fresh Scoops
  • Tingnan: Mga eksena mula sa teleserye comeback ni Julia Montes

Tingnan: Mga eksena mula sa teleserye comeback ni Julia Montes

Isang health crisis ang hahaharapin ni Julia Montes at iba pang bida sa pinaka bagong teleserye ng ABS-CBN.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/31/2020 8:46 AM
Tingnan: Mga eksena mula sa teleserye comeback  ni Julia Montes


Photo credit: @dreamscapeph IG

Napapanahon ang TV comeback si Julia Montes na pinamagatang “24/7” at marami ang naimpress sa mga larawang ibinahagi ng Dreamscape PH sa Instagram. 

Base sa stills ng palabas na pinost kahapon, Enero 30, makikitang isang agent si Julia at magkakaroon ng isang matinding enkentro sa seguridad sa isang ospital dahil sa isang medical emergency. 

Makikita din sa mga kapanapanabik na mga eksena sina Arjo Atayde, Pepe Hererra, JC Santos, Meryll Soriano, Melissa Ricks, Joross Gamboa at ilan pang Kapamilya stars. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

24/7. This February.

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

24/7. This February.

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

 

Kelan lamang ay inanunsyo ang pagbabalik ni Julia sa pagarte matapos ang halos isang taong pagliban sa showbiz. Naging usap usapan na baka nagdadalang tao ang Kapamilya star dahil sa namalagi siya ng mahabang panahon sa Germany kung nasaan ang kanyang ama. Mariin na pinabulaanan naman ito ng kanyang management. 

 

 

Inaasahan na ipapalabas na ngayong darating na Pebrero ang “24/7”.