• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ryza Cenon, sa pelikula muna magko-concentrate ngayon

EXCLUSIVE: Ryza Cenon, sa pelikula muna magko-concentrate ngayon

Ryza Cenon, kinailangan ng malaking adjustment sa unang pagsabak niya sa ABS-CBN.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/31/2020 11:36 AM
EXCLUSIVE: Ryza Cenon, sa pelikula muna magko-concentrate ngayon


Photo credit: @iamryzacenon IG

Pagkatapos maging bahagi ng ABS-CBN teleseryeng The General’s Daughter ay sa pelikula muna magko-concentrate ngayon si Ryza Cenon. Bida si Ryza sa pelikula ng Viva Films na Sa Muli (with Xian Lim) at sa isa pang sexy movie na The Other Wife namagre-reunite sa kanila ni Direk Prime Cruz.

“Ang maganda sa Viva, hindi sila yung namimilit na, ‘Gawin mo ‘to, gawin mo yan!’ Ikaw ang magde-decide kung gusto mo siyang gawin. Tapos kung ano yung gusto mong gawin rerespetuhin nila yon na, ‘Oh,sige ito yung gawin mo,’” simulang kuwento ni Ryza nang eksklusibo siyang makausap ng PUSH sa ginanap na 20/20 Vision presscon ng Viva.

Kaagad din daw niyang tinanggap ang The Other Wife kahit sexy film ito dahil palagay na ang loob niya sa director nito na si Prime Cruz na nagdirek ng sensual film niyang Ang Manananggal Sa Unit 23-B.

“Hindi na ako nagdalawang isip kasi may tiwala na ako sa kanya, so kaya ko na siya. Kinuha ko kaagad kasi alam kong magiging maganda yung team-up namin, eh, kasi nakatrabaho ko na siya before,” sey pa niya.

Very thankful si Ryza sa nakaraang 2019 dahil kahit unang beses pa lang niyang sumabak sa teleserye ng ABS-CBN ay nakatrabaho niya agad ang malalaking artista ng network tulad ni Angel Locsin, Albert Martinez, Maricel Soriano, at Arjo Atayde sa The General’s Daughter.

Laking pasasalamat din daw niya kay Angels a mga naging advice nito sa kanya nung lumipat sya sa Dos.

Pagre-recall ni Ryza, “Nung unang lipat ko talagang lumapit ako sa kanya kung paano yung tungkol sa mga bashers na ganyan. Nag-advise naman siya sa akin na, ‘Hayaan mo na yang mga sinasabi nila, wala ka namang tinatapakan, kaya okey lang yan.’ Talagang lumapit ako sa kanya, tapos ginuide naman niya ako. Ang laking pasasalamat ko na nando’n siya.

“And in fairness din naman sa mga artistang ABS, nung lumipat ako, sobrang welcome ko. Lahat sila, ‘Hi Ryza,’ pati staff, in fairness, hindi ko naman na-feel na left out ako or something.”

Natatandaan din ni Ryza na hindi kaagad siya nakasabay sa acting ng mga Kapamilya stars dahil iba ang nakasanayan niya before sa pinanggalingang network.

“Aaminin ko, hindi kaagad ako naka-adjust kasi magkaiba yung atake nila pagdating sa taping, eh. Pero siguro, mga ilang months pa bago ako naka-adjust kung paano makipag-ano sa kanila kasi hindi basta-basta artista yung kasama ko sa show, di ba?

“Siyempre, hindi ka puwedeng basta-basta umarte lang kasi lalamunin ka ng buhay. Kailangan makipagsabayan ka kasi kung hindi kawawa ka, as in, kawawa ka. Imagine, Ate Janice (de Belen), Tito Pip (Tirso Cruz III), Ate Eula (Valdez) – grabe sila.

“Kahit sina Arjo (Atayde), si Pao (Paulo Avelino)at si Inay Marya (Maricel Soriano), grabe talaga sila. Nung nakita ko pa nga lang yung cast kinabahan na talaga ako. Sabi ko, parang kailangan ko talaga yatang magseryoso dito.

“Nakakatakot at nakakahiya din sa kanila na binibigay nilayung 100 percent nila tapos ako parang baka makita nila na hindi ko binibigayyung effort ko. Kaya todo yung effort ko. Takot akong magkamali. Inoobserbahan ko yung mga galaw nila,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres.