• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas bukas ngayon si Alden Richards na pagtanggap na mas mature na roles.

Alden Richards, handa sa pagbabago ng image ngayong 2020

Mas bukas ngayon si Alden Richards na pagtanggap na mas mature na roles.

BY
Leo Bukas
Follow me on Twitter: Leo Bukas

FRESH SCOOPS

01/31/2020 11:41 AM
Alden Richards, handa sa pagbabago ng image ngayong 2020
Photo credit: @aldenrichards02 IG

Kahit napaka-wholesome at very clean ang image ng aktor na si Alden Richards ay tumanggap na rin siya ng liquor endorsement ngayong 2020. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-i-endorse si Alden ng isang brand ng alak.

“Well, of course, I’m of age naman na rin, I’m 28 na and parang it’s alright to be an ambassador of a liquor as long as you promote drinking in a moderate manner naman,” katwiran ni Alden nang makausap siya ng PUSH sa launching ng Embassy Whisky kung saan siya ang celebrity ambassador.

Patuloy pa niya, “Hindi na rin talaga ako nagdalawang isip to say yes to a liquor endorsement this year kasi hindi naman tayo pabata. And at the same time, I’m also a whisky drinker whenever I have parties, ganyan, so yon talaga yung iniimon ko whenever I have some get together with friends, families, and co-workers.”


Nagkaroon ba siya ng restrictions or any consideration bago tinanggap ang endorsement?

“Well, in terms of consideration, para siyempre don sa mga supporters natin na bata at sa mga moms, baka nagulat sila for this, pero hindi naman natin ito ipo-promote para do’n sa ganung klaseng market. It’s really for something new na rin for me this 2020. I’m always looking forward din to be part of new families that’s why I said yes to this,” rason ng aktor.

Paano ba niya ia-assess ang kanyang 2019?

Ani Alden, “Last year po sobrang dami pong dumating na blessings and opportunities sa akin. Hindi po nawala yon.”

Isa na nga rito ang Hello, Love, Goodbye na pelikula nila ni Kathryn Bernardo from Star Cinema na itinuturing na highest grossing film of all time ngayon.

“I have very good people behind my back to give me advice kung ano yung mga magandang kunin and mga dapat hindi kunin for now. Ang daming learnings nu’ng 2019 – siyempre hardships, mga trials.

“What keeps me going is the people who are behind my back, my supporters, my fans, my family and of course the people that encourages me that I can do more and be better with the craft that I’m doing now. And with 2020 sana ganun pa rin. I’m not expecting anything pero I will work hard for 2020, harder than in 2019,” dagdag niyang paliwanag.

Kasama rin sa pagbabagong dapat abangan kay Alden sa 2020 ay ang pagtahak niya sa mas matured na role sa pelikula.

“Medyo iba na po yung path na kukunin natin. And I’m opening doors for other experiences as well. So kung may mga mao-offer naman pong projects na kapag maganda naman yung material at medyo malaki ang demand to be more mature in a role siyempre I would consider it,” huling pahayag ni Alden sa PUSH.