• Home
  • Fresh Scoops
  • After ‘Block Z’, What’s next for Joshua Garcia and Julia Barretto?

After ‘Block Z’, What’s next for Joshua Garcia and Julia Barretto?

Nananatiling bukas sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa isang reunion project na posible nilang gawin in the future.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/31/2020 12:40 PM
After ‘Block Z’, What’s next for Joshua Garcia and Julia Barretto?


Well-applauded ang Kapamilya star na si Julia Barretto sa kaniyang ipinakitang aksyon sa zombie movie na Block Z.

Kuwento ni Julia, masaya siya na napansin ito ng maraming nakapanood na ng kanilang pelikula at aniya, paghahanda na rin niya ito para sa kanyang upcoming action movie.

“Yung susunod na gagawin kong pelikula is all out action siya. I am very grateful na I was able to do this in ‘Block Z’ in preparation for that film also,” tugon niya sa panayam ng entertainment bloggers.

“But more than anything, I think I’m just really grateful na binigyan ako ng trust ng Star (Cinema), ni Tita Malou (Santos), ni direk Mik (Mikhail Red) to be able to pull off scenes like this. It’s my first time ever. I am just grateful for the trust. I took the opportunity and I hopefully made everyone proud.”

Dahil sa mga pinagdaanan na kontrobersya noong 2019, isa rin sa naitanong kung posible rin ba ang more JoshLia tandem after Block Z.

“Well first we are very grateful because yung fans namin have stayed, have remained and have never really lost hope in our partnership,” sabi pa ni Julia.

Hindi rin daw dapat mawalan ng pag-asa ang JoshLia fans na nanantiling buo ang suporta sa kanilang tandem.

“I don’t see any reason why dapat sila mawalan ng hope because even if this year,” paliwanag ng Kapamilya star.

Hindi man daw sila magkasama sa kanilang mga proyekto ngayon, sinigurado ni Joshua at Julia na nananatili silang mabuting magkaibigan at bukas din sa posibilidad na muling magsama sa isang proyekto sa future.

READ: Julia Barretto, may pahayag sa sumisira sa friendship nila ni Joshua Garcia

“We are going to be doing projects individually that hopefully will make us grow as individuals and as actors so that one day, when we have our reunion project, we are more ready, we are more mature. We are more educated in a lot of things. I think that’s the perfect time – when we’ve grown. We have a lot of growing to do.”