• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinayaw ng Dead Kids actors na sina Vance Larena, Kelvin Miranda, at Jan Silverio ang TikTok dance craze na ‘Catriona’.

PANOORIN: Dead Kids cast, nag-Catriona dance challenge

Sinayaw ng Dead Kids actors na sina Vance Larena, Kelvin Miranda, at Jan Silverio ang TikTok dance craze na ‘Catriona’.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/03/2020 06:33 PM
PANOORIN: Dead Kids cast, nag-Catriona dance challenge

Sumayaw ang trio cast ng Dead Kids na sina Vance Larena, Kelvin Miranda, at Jan Silverio ng bagong trending dance craze na 'Catriona'. Ipinost ni Jan sa kaniyang Twitter ang kanilang dance cover nitong January 1.

"Dead Bois doing the Catriona Dance Challenge 😂," ayon sa caption.

Gumaganap bilang sina Charles Blaco, Mark Sta. Maria, at Gideon 'Shoti' Uy sina Vance, Kelvin at Jan sa original Pinoy Netflix film. Mula sa direksyon ni Mikhail Red, kasama rin sa cast sina Khalil Ramos, Markus Patterson, at Sue Ramirez.

Bukod sa kanila, una na rin ginawa ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio ang naturang dance craze na ipinost naman niya sa kaniyang Instgram.

https://www.instagram.com/p/B6a_babHTFd/

Nagsimula ang dance challenge sa TikTok, isang short-video social networking app. Ang naturang kanta ay mula sa single ng isang local Pinoy rapper na si Matthaios.

Mapapanood pa rin sa Netflix ang Dead Kids.