• Home
  • Fresh Scoops
  • BALIKAN: Mga pelikulang blockbuster sa takilya sa loob ng isang dekada

BALIKAN: Mga pelikulang blockbuster sa takilya sa loob ng isang dekada

Sa pagsisimula ng panibagong dekada ngayong 2020, muli nating balikan ang mga pelikulang pinilahan at sumira ng box office record mula 2010 hanggang 2019.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/3/2020 12:34 PM
BALIKAN: Mga pelikulang blockbuster sa takilya sa loob ng isang dekada


Sa pagsisimula ng panibagong dekada ngayong 2020, muli nating balikan ang mga pelikulang pinilahan at sumira ng box office record mula 2010 hanggang 2019.

2010... My Amnesia Girl na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na kumita ng P144.8 Million.

2011... Ang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na lumagpas ang kita sa P300 Million.

2012... Hindi rin nahuli ang joint forces sa comedy nina Vice Ganda, Kris Aquino, at Ai-Ai Delas Alas sa Sisterakas na nagtala ng P340 Million.

2013...  Di rin nagpaawat ang apat na karakter ni Vice Ganda sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy with P427 Million.

2014... Nasundan naman ang The Amazing Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na humakot ng P400 Million gross sa takilya.

2015... Muling na-in love ang sambayanan kina Popoy at Basha sa A Second Chance with 566 million.

2016... Nang gulat naman sa takilya sina Vice Ganda at Coco Martin sa kanilang unang pagsanib pwersa sa Super Parental Guardians with P598 Million.

2017... Superhero naman ang levels ng powers nina Vice Ganda, Karla Estrada, at Daniel Padilla sa box office ng Gandarappido: The Revenger Squad with P571 Million.

2018... Todo naman ang kilig sa KathNiel sa The Hows of Us with P800 million gross.

At nitong 2019, humakot sa takilya ang Hello, Love, Goodbye ni Alden Richards kasama si Kathryn Bernardo with its P880 Million pesos.

Sa kasalukuyan, ito rin ang may hawak ng record bilang highest grossing Filipino films of all time.

Sa panibagong dekada, inaasahan ang patuloy na pag palo sa takilya ng mas dekalibreng pelikula