Ate Girl Jackque, may love advice ngayong taon

Nagbigay ng payo tungkol sa pag-ibig si Ate Girl Jackque Gonzaga sa pasok ng bagong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/3/2020 5:08 PM
Ate Girl Jackque, may love advice ngayong taon


Photo Credit: @hashtag_tomdoromal on IG

Sinimulan naman ni Ate Girl Jackque Gonzaga ang taon sa pagbibigay ng payo tungkol sa pag-ibig sa mga Kapare-WHO contestants sa It’s Showtime.

"Hindi naman mahirap humanap ng kapalit, ang mahirap mahanap ay iyong hindi ka ipagpapalit,” sambit ni Jackque.

Napasilip naman si Vice Ganda at binirong “Dami mong alam. Akala mo perfect ang relationship mo?"

Umusbong naman noon ang usaping hiwalayan nila ng Hashtags member na si Tom Doromal ngunit pinbulaanan naman nila ito at nagsama pa ngayong Pasko.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happi new yir ebryone ❤️

A post shared by Tom Doromal | Official Acc. (@hashtag_tomdoromal) on


“Ganoon talaga, yung mga sinasabi mo hindi mo na a-apply sa sarili mo,” sagot naman ni Jackque kay Vice, bagay na sinang-ayunan nila.

WATCH: It’s Showtime: Vice Ganda, napasilip sa hugot na binitawan ni Ate Girl Jackque!

Nang matanong kung may pinariringgan ba siya sa kanyang payo ay pabirong sumagot naman ang It’s Showtime dancer na “Wala, bahala kayo dyan.”