• Home
  • Fresh Scoops
  • Wedding gown ni KZ Tandingan, dapat abangan sa kaniyang kasal

Wedding gown ni KZ Tandingan, dapat abangan sa kaniyang kasal

Target ni KZ Tandingan na gawin ngayong taon ang kanyang kasal kay TJ Monterde.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/29/2020 2:52 PM
Wedding gown ni KZ Tandingan, dapat abangan sa kaniyang kasal


Photo credit: @kztandingan IG

Tuloy na tuloy na ang wedding ni KZ Tandingan sa kaniyang fiancé na si TJ Monterde.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

heliparty ✨

A post shared by KZ (@kztandingan) on

 

Matatandaan na bago magtapos ang 2019, nag-trending online ang naging wedding proposal ni TJ Kay KZ.

READ: KZ Tandingan and TJ Monterde are engaged

Kuwento ni KZ, puspusan na ang kanilang paghahanda para sa kasal, na target nilang gawin ngayong 2020.

“Ngayon, medyo nag-iisip na kami kung sino ang mga invited namin, kung saan kami magpapakasal, pero definitely dapat this year sana kasal na kami,” tugon ni KZ sa panayam. 

Dahil sa mga kakaibang mga outfit niya sa kaniyang mga performance sa telebisyon, patikim ni KZ dapat rin daw abangan ang kaniyang wedding gown na isusuot.

“Kailangan niyo po abangan yan! Wow! Abangan! On a normal day kapag si KZ,  hindi performer, ano lang ako, very basic naka t-shirt lang ako. Pero kapag si KZ as a performer doon ako 'maximalist' so hindi natin alam tingnan natin, wow!,” pabirong sagot ng singer.

Bukod sa detalye ng kanilang kasal, isang wedding song rin daw ang inihahanda ni KZ at ng kaniyang soon to be husband.

“Opo, actually may mga nagawa na ako pero iniisip namin kung gagawa ako ng bago just for the wedding,” pahayag pa niya.