• Home
  • Fresh Scoops
  • VIVA founder Vic Del Rosario, sinabing may pitong pelikula pa sana si Nadine Lustre sa kanila

VIVA founder Vic Del Rosario, sinabing may pitong pelikula pa sana si Nadine Lustre sa kanila

Sinagot na ng VIVA founder na si Vic del Rosario ang kontrobersyal na pag-alis sa kanila ng aktres na si Nadine Lustre.

BY GARY ANN LASTRILLA

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

1/29/2020 11:23 AM
VIVA founder Vic Del Rosario, sinabing may pitong pelikula pa sana si Nadine Lustre sa kanila


Photo credit: @nadine (R) on Instagram

Mainit ang usapin ngayon tungkol sa pag-alis ng aktres na si Nadine Lustre sa VIVA Artists Agency, ang talent management agency niya simula pa noon 2009.

Lunes, Enero 27, nang maglabas ng statement ang legal team ni Nadine tungkol sa pag-terminate niya sa kontrata niya sa VIVA. Ani ng statement, "For the information of the public, Nadine Lustre is no longer a talent of Viva Artists Agency. Consistent with her rights under the Civil Code of the Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva." Dagdag pa nito, "self-managed" na ngayon ang aktres.

READ: Nadine Lustre leaves VIVA, now “self-managed”

Kinagabihan, bumwelta naman ang VIVA at naglabas din ng kanilang statement. "Contrary to the press statement, Nadine [Lustre] remains an exclusive artist of Viva as she has a valid and subsisting management contract. Under the law, Nadine cannot unilaterally withdraw from her contract with VIVA." Ayon pa rito, breach of contract daw na maituturing ang ano man "dealings or professional engagements" na gagawin ni Nadine na hindi dadaan sa VIVA.

READ: Viva Artist Agency, bumuwelta kay Nadine Lustre

Kinabukasan, naglabas muli ng statement ang kampo ni Nadine at sinabing handa silang harapin ang ano man kasong isasampa laban sa aktres.

"We welcome any legal action by Viva so their unconscionable, oppressive and illegal contract with Nadine (and their other artists) can be litigated in the proper forum,” ani Atty. Lorna Kapunan, sa mga tweets na pinost ng ABS-CBN News reporter MJ Felipe.

READ: Kampo ni Nadine Lustre, handa sa haharaping kaso

At nabuksan na nga ang isyu na ito kinagabihan ng Martes na iyon, Enero 28, sa idinaos na VIVA Vision 2020 kung saan nagsalita na ang VIVA Founder na si Vic del Rosario tungkol sa issue.

"Actually, meron pang 7 movies pa sana ang nakakontrata... 'Yung "Miracle," tinanggihan niya eh so napalitan siya ni Bela [Padilla] eh," pagtukoy nito sa top-earning Metro MFF 2019 entry na Miracle in Cell No. 7. "Dapat sa kanya 'yung role na 'yun so mabuti naman at natanggap ni Bela. So meron kaming inoffer pa naman."

Sa aspeto naman ng pagtanggi ni Nadine ng proyekto, aniya, "Eh dun sa kontrata naman, pwede siyang mag-no dahil 'yung kontrata namin, pwedeng magreject ang artist 'pag hindi nila type. Pero 'yung bawal lang 'yung bawal lumabas sa iba."

Dalawang pelikula ang ginawa ni Nadine under VIVA nitong 2019 - ang "Ulan" at "Indak." Maliban sa hindi natuloy niyang pagganap sa "Miracle in Cell No. 7," napabalita rin na si Nadine sana, kasama ang ka-love team niya na si James Reid, ang gaganap sa Filipino remake ng Korean movie na Spellbound, sa ilalim pa rin ng VIVA. Tutuparin na nina Bela Padilla at Marco Gumabao ang proyektong ito.