• Home
  • Fresh Scoops
  • Nathalie Hart, masayang makakatrabaho ang childhood idol na si Andrew E

Nathalie Hart, masayang makakatrabaho ang childhood idol na si Andrew E

Nathalie Hart, di daw laging kailangan magpa-sexy sa mga projects niya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/29/2020 11:55 AM
Nathalie Hart, masayang makakatrabaho ang childhood idol na si Andrew E


Game na game ang sexy actress na si Nathalie Hart na makatrabaho sa pelikulang Pak Boys ng Viva Films sina Janno Gibbs, Dennis Padilla, at Andrew E kahit pa sabihing “chickboy” ang mga ito.

Hindi raw siya takot or kinakabahan na makatrabaho ang tatlong komedyante.

“No! I’m okay!”madiin niyang komento.

Yon nga lang, hindi magpapaseksi nang husto si Nathalie sa Pak Boys.

Aniya, “Depende naman sa project yan. Kasi this is (Pak Boys) fun. This is comedy so, I really don’t have to do that. I mean, it really depends on the script as well, o yung piece. This is not for it.Hindi naman kailangan.

“Siguro may sexy lang na cute, pa-cute lang sa tao para lang may edge na ganun pero I reallydon't have to go all out.”

Ni-reveal din ni Nathalie sa story con ng Viva Films movie na childhood idol niya si Andrew E at excited siyang makatrabaho ito.

“I'm a big fan with... Oh my God, Andrew E.,”pag-amin pa niya.

“Napanood koyung Humanap ka ng Pangit at Pink Palaka. I used to listen to that song all the time nung bata pa ako. Hay naku, Ioved it. It was super cool when I was like, in high school and then it;s funny,” rebelasyon pa ng aktres.

Kaya naman excited si Nathalie nang malamang makakatrabaho niya si Andrew E.

“I’m very excited to work with him. He is my idol. My brother loves him too. Ako, from everyone, siya talaga yung idol ko. I love his art.  He’s amazing,” sambit pa niya.

Inintriga naman agad si Nathalie kay Andrew E. kung posible raw bang ma-in love ang aktres sa rapper-actor.

Napangiti langsi Nathalie. Sabay sabing, “May anak na ako.”

Kasama rin sa Pak Boys sina Marissa Sanchez, Leo Martinez, Maui Taylor, at Ana Roces. Ang pelikula ay ididirek ni Al Tantay at bahagi ng 34 films na ipoprodyus ng Viva Films ngayong 2020.