• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang pinakabagong ear piercings ni Kathryn Bernardo upang gunitain ang isang milestone sa kanyang career bilang vlogger.

Kathryn Bernardo, may bagong piercing

Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang pinakabagong ear piercings ni Kathryn Bernardo upang gunitain ang isang milestone sa kanyang career bilang vlogger.

BY
PUSH TEAM
Follow me on Twitter: PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/29/2020 02:10 PM
Kathryn Bernardo, may bagong piercing
Photo credit: @bernardokath IG

“Time for new piercings!”

Ito ang caption ni Kathryn Bernardo sa kanyang latest Instagram post.

Sa post, makikita ang pinakabagong ear piercings ng aktres upang gunitain ang isang milestone sa kanyang career bilang vlogger.  


Sa loob lamang kasi ng isang buwan, pumalo na sa 9 million ang views ng kanyang vlog channel na “Everday Kath”. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Time for new piercings! Dedicating these ones to my new baby: Everyday Kath! 💗

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

 

Matatandaang sa nakaraang panayam ay ibinahagi ni Kathryn na ang bawat piercing ay tanda ng importanteng kaganapan sa kanyang buhay.  

January 3 nang sumabak si Kathryn sa pagva-vlog. Simula noon, nakapag-upload na ang aktres ng videos mula sa kanyang bakasyon sa Iceland at Japan kasama ang boyfriend at love team partner na si Daniel Padilla, pati na ang kanyang naging preparasyon para sa first Halloween party ng Star Magic.