• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Raymundo, ikinuwento kung bakit sila close ni Julia Barretto.

EXCLUSIVE: Ina Raymundo, pinayagan ang sexy photo shoot ng panganay na anak noon

Ina Raymundo, ikinuwento kung bakit sila close ni Julia Barretto.

BY
Leo Bukas
Follow me on Twitter: Leo Bukas

FRESH SCOOPS

01/28/2020 12:16 PM
EXCLUSIVE: Ina Raymundo, pinayagan ang sexy photo shoot ng panganay na anak noon

Isa na ring social media sensation ang beautiful daughter ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak.

“I know, but you know what, she’s really not into it. If you think about it, parang once a month lang siya mag-post. Sinasabi ko sa kanya na you should expose yourself more para mas makilala ka pang mga tao.

“Pero hinahayaan ko lang siya kung anong gusto niya because I can’t really force her. Hanggang reminder lang ako. Kung ayaw niya talagang gawin wala akong magagawa. That’s here, eh,” komento ng Block Z star tungkol sa panganay niyang anak.


Nagbigay din ng reaksyon si Ina tungkol sa pinag-usapang swimsuit pictorial ng kanyang anak na ginawa bago ang debut nito last October of 2019. May consent daw nila ang sexy photo shoot ni Erika.

“Oh yes, pinayagan namin siya. And I think na tastefully done yung pagkakagawa ng Niceprint sa photo shoot niya and sa videos naalagaan siya. And you know, kahit na one day lang namin na-shoot yung pre-debut video niya, it was nice, super nice,” sabi pa ng aktres.

Kasama ni Ina sa pelikulang Block Z si Julia Barretto at very vocal siya to show her affection sa dating girlfriend ni Joshua Garcia who is also part of the film.

“You know what, I’m 44 years old and I’ve hung out with so many people in my life and sa dinami-dami ng nakatrabaho ko, siguro sobrang swak lang kami (ni Julia), yung personalities namin.

“She’s a good girl. Very sweet, funny. Parang minsan siguro nami-misunderstand siya kasi ano siya, eh, what you see is what you get, ganun siya. But she’s a good person. Never akong nakadinig na any negative na kinuwento niya sa akin – zero.

“Don mo madya-judge yung tao, di ba, na pagkasama mo wala siyang siniraan, wala siyang… basta positive lang. Basta yung relationship namin is beyond showbiz,” litanya ni Ina about Julia.

Umiwas namang magkomento si Ina tungkol sa pinagdaanan nina Julia at Joshua.

Nakangiti niyang pahayag, “Basta… basta. I don’t want to talk na, baka mapasama lang. Basta I love Joshua and Julia, pareho ko silang love because of Vince and Kath and James.”

Ipapalabas ang Block Z sa mga sinehan simula January 29. Bukod kina Ina, Joshua at Julia ay kasama rin sa pelikula sina Ian Veneracion, Maris Racal, McCoy de Leon at Yves Flores.

Block Z is directed by Mikhail Red and produced by StarCinema.