• Home
  • Photos
  • TINGNAN: Daniel Padilla, Charo Santos-Concio sa mga behind-the-scene photos ng ‘Kun Maupay Man It Panahon’

TINGNAN: Daniel Padilla, Charo Santos-Concio sa mga behind-the-scene photos ng ‘Kun Maupay Man It Panahon’

Tingnan ang mga behind-the-scene photos mula sa shooting ng bagong proyekto nina Daniel Padilla, Charo Santos-Concio, at Francinne Rifol ng MNL48.

BY PUSH TEAM

PHOTOS

1/27/2020 9:18 AM

Inilabas ng iWant official Instagram page nitong January 26, ang ilang larawan mula sa shooting ng bagong inaabangang pelikula nina Daniel Padilla at Char Santos-Concio, na pinamagatang Kun Maupay Man It Panahon o Whether The Weather Is Fine.

Ang mga larawan ay kuha mula sa shooting location sa Downtown Tacloban. Tungkol ang kuwento ng pelikula sa buhay ng mag-inang (Charo at Daniel) nasalanta ng bagyong Yolanda, noong 2013.

READ: ABS-CBN unveils upcoming shows and movies in ‘Bagong Dekada’ trailer

Isa ang naturang pelikula sa mga aabangang palabas mula ABS-CBN. Ito ang unang pagkakataon na magsasama para sa isang proyekto sina Daniel at Charo, at kasama rin ng MNL48 member na si Francinne Rifol.

READ: Daniel Padilla, nakipagsabayan sa acting kay Charo Santos

Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan ipalalabas ang pelikula.