• Home
  • Fresh Scoops
  • Taong 2019 ng ipakilala sa publiko ng “Magandang Buhay” host sa ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

Karla Estrada, ‘bantay sarado’ ng anak na si Daniel Padilla

Taong 2019 ng ipakilala sa publiko ng “Magandang Buhay” host sa ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/27/2020 10:33 AM
Karla Estrada, ‘bantay sarado’ ng anak na si Daniel Padilla

Kasiyahan ng kaniyang ina ang hanggad ngayon ng aktor na si Daniel Padilla para sa ina na si Karla Estrada, na nakita muli ang bagong inspirasyon sa buhay niya.

Sa naging panayam kay Daniel ng PUSH at ABS-CBN News sa aktor, inamin niya na hindi siya nanghihimasok sa masayang relasyon ng ina.


“Hindi ako masyado nakikialam, importante lang sa akin, masaya ang ermat ko [Nanay ko] ‘yun lang,” sabi pa ni Daniel.

READ: Is he Karla Estrada’s new ‘inspiration?’

Hindi man raw nakikialam, bantay sarado naman daw si Karla sa anak na laging sumusubaybay para sa kaniyang ina.

“Alam niya na bantay sarado naman siya sa akin,” seryosong tugon ng aktor.

“I’m just happy na masaya siya, maganda mood niya lagi, ‘yun ang importante.”

Matatandaan na Nobyembre ng 2019, sinimulan na ipakilala sa publiko ng “Magandang Buhay” host ang kaniyang boyfriend na si Jam Ignacio. 

At sa parehong programa rin, ikinuwento rin ni Karla kung paano nabuo ang kanilang relasyon.