• Home
  • Fresh Scoops
  • Xia Vigor, ikinontrata ng Viva pagkatapos maging topgrosser ng ‘Miracle In Cell No. 7’

Xia Vigor, ikinontrata ng Viva pagkatapos maging topgrosser ng ‘Miracle In Cell No. 7’

Xia Vigor, hindi daw inaambisyong maging sikat.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/26/2020 11:34 AM
Xia Vigor, ikinontrata ng Viva pagkatapos maging topgrosser ng ‘Miracle In Cell No. 7’


Napakalaking naging impact sa career ng child star na si Xia Vigor ng 2019 Metro Manila Film Festival movie na Miracle In Cell No. 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach. Nakilala si Xia bilang si Yesha, character na ginampanan niya sa pelikula na anak ni Aga. And recently, pinapirma na rin siya ng movie at management contract ng Viva.

Tanong ng PUSH kay Xia, ramdam mo bang sikat ka na ngayon?

“Hindi naman po,” natatawa niyang sagot. “Pareho pa rin naman po. Pero yon po, lagi na rin akong tinatawag na Yesha. Sobra din po akong masaya sa nabigay na opportunity sa akin na maging part ng cast ng Miracle In Cell No. 7,” dagdag niyang reaksyon.

Sa Mini Me contest ng It’s Showtime nagsimulang mapansin si Xia. Pero ayon sa bata, hindi niya raw inambisyong sumikat talaga.

Aniya,  “Hindi naman po yon ang tinarget ko. Gusto ko lang po na gawin po yung gusto ko po at paramapasaya ko po ang sarili ko sa ginagawa ko. Pero hindi naman po yung target ko talaga na sumikat po.”

Binigyan ng bonus si Xia ng Viva dahil sa pagiging topgrosser ng Miracle In Cell No. 7. Ano ang ginawa niya sanatanggap na bonus?

“Wala po. Iniipon parin po namin. Siguro po yung iba puwede naming i-donate sa charity. Kasi mahilig din po talaga akong mag-charity dahil marami pong mga iba’t ibang mga sitwasyon na yung mga tao nahihirapan sila sa buhay nila kaya gusto ko rin po silang matulungan.

“Kaya siguro po, yung iba don sa bonus ko ido-donate po namin,” pahayag ni Xia na sobrang matured na kung magsalita.

Ibinahagi naman ng mommy ni Xia na si Christie Bernardo ang dahilan kung bakit matured matured mag-isip at sumagot ang kanyang anak.

Paliwanag niya, “Siguro po dahil sa mgapinagdaanan namin sa buhay kaya naging matured siya. Kasi single mom at hindi po siya lumaking kasama ang daddy niya although dumadalaw at open naman po siya sa bahay any time.