• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros, proud sa nagsisimulang showbiz career ng anak na si Mela Francisco

Melai Cantiveros, proud sa nagsisimulang showbiz career ng anak na si Mela Francisco

“Sinusuportahan namin siya doon,” ayon kay Melai Cantoiveros binabalanse niya ngayon ang pag-aaral at nagsisimulang showbiz career ng anak na si Mela Francisco.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/26/2020 11:07 AM
Melai Cantiveros, proud sa nagsisimulang showbiz career ng anak na si Mela Francisco


Proud mommy ang momshie host na si Melai Cantiveros-Francisco sa kaniyang panganay na si Mela Francisco na ngayon ay nagsisimula nang pasukin ang showbiz.

"Sobra din akong na-overwhelm kasi tumaas din yung mga followers niya sa YouTube. At pag nakikita sila sa daan, [may] nagpapapicture kay Ate Mela," natatawang kuwento ni Mela sa press sa kaniyang interview matapos ang press conference para sa kaniyang bagong fast-food endorsement.

"Ngayon, mayroon silang show [kasama ang ibang] anak ng mga momshie hosts, Pop Babies. Ang ABS-CBN ang gumawa ng show na yon sa YouTube, makikita rin sila sa Yey!" dagdag ni Melai.

 

 

Bago pumasok sa online show na Pop Babies si Mela, nauna na itong  kinakitaan na kabibohan sa kaniyang mga vlogs at minsang pag-guest mismo sa Magandang Buhay.

"Tinuturuan ko siya na i-enjoy lang yung mga ganyan, mag-smile siya, kasi sila ang dahilan kung bakit ka kuwan --kasi very happy kami na bata pa lang siya nae-expose na siya sa ganito, yung iba nga nag-o-audition pa, so thank you Lord," pagpapatuloy ni Melai.

May anim na taong gulang na si Mela, habang ang pangalawang anak naman nina Melai at Jason ay mag ta-talong taong gulang na.

Mapapanood pa rin si Melai araw-araw bilang host ng Magandang Buhay.