• Home
  • Fresh Scoops
  • Transgenders, pwede na bang sumali sa Miss Universe Philippines?

Transgenders, pwede na bang sumali sa Miss Universe Philippines?

Sinagot naman ni Miss Universe Philippines National Director na si Shamcey Supsup ang katanungan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/24/2020 10:52 AM
Transgenders, pwede na bang sumali sa Miss Universe Philippines?


Photo credit: @supsupshamcey IG

Inanunsyo ng Miss Universe Philippines na extended ang deadline ng pagsali sa nasabing pageant.

Sa halip na Enero 18, naging 31 na ang deadline ng pasahan ng application form.

Nang tanungin naman kung maaaring sumali ang mga transgenders, nilinaw naman ng MUP national director na si Shamcey Supsup na pwede ito kung legal na napalitan ang kanilang kasarian sa kanilang dokumento.

"If the local country where you will hold the pageant, if we are not yet allowed to change gender in our legal documents then we will have to follow the local authority," ani Shamcey sa ABS-CBN News

Sa kasalukuyan, hindi pa pwedeng mapalitan ang kasarian ng tao sa bansa.

Si Angela Ponce naman ng bansang Spain ang kauna-unahang transwoman na sumali sa pageant noong 2018.

Kinoronahan naman si Shamcey noon 2011 at nakuha ang titulong Binibining Pilipinas Universe at naging representative ng bansa. Nakamit naman niya ang third runner up noon sa Miss Universe.

Bago maitatag ang MUP, ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang may hawak ng franchise nito noon na pinamumunuan ni Stella Marquez-Araneta.

Para kay Shamcey, malaki ang utang na loob niya sa BPCI at nais din niyang makausap si Stella.

"I really wanted to talk to her personally and I plan to do it. She's still out of the country but I've been talking to their secretaries, asking for an appointment... they're really close to my heart as well," aniya.

"Without Binibini, I wouldn't be here and I owe it to them. I know naman there's no hard feelings with this endeavor," dagdag pa ni Shamcey.