• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakaibang mga papel ang gagampanan nina Kim Chiu at Yam Concepcion sa inaabangang ABS-CBN afternoon drama na “Love Thy Woman.”

Kim bilang other woman, Yam bilang legal wife sa ‘Love Thy Woman’ trailer

Kakaibang mga papel ang gagampanan nina Kim Chiu at Yam Concepcion sa inaabangang ABS-CBN afternoon drama na “Love Thy Woman.”

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/24/2020 01:23 PM
Kim bilang other woman, Yam bilang legal wife sa ‘Love Thy Woman’ trailer

Kakaibang mga papel ang gagampanan nina Kim Chiu at Yam Concepcion sa inaabangang ABS-CBN afternoon drama na “Love Thy Woman.”

Sa opisyal na trailer na inilabas ng Dreamscape nitong Huwebes, gumaganap ang dalawang aktres bilang half-sisters na sina Jia (Kim) at Dana (Yam), na magiging magkaribal matapos umibig sa iisang lalaki.

Hindi inaasahang mahuhulog ang loob ni Jia kay David (Xian Lim), ang asawa ni Dana, habang ang huli ay comatose dahil sa isang car accident ilang araw lamang matapos ang kanilang kasal.


Ang kanilang istorya ay sumasalamin sa kanilang nakaraan, dahil si Jia ay bunga ng pag-iibigan nina Kai Estrella (Sunshine Cruz) at Adam Wong (Christopher de Leon), habang kasal ito sa ina ni Dana na si Lucy Wong (Eula Valdez). 

Bukod sa nasabing stars, aabangan din sa “Love Thy Woman” sina  Zsa Zsa Padilla at Ruffa Gutierrez.

Sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Jerry Lopez Sineneng, at Andoy Ranay, ipapalabas ang “Love Thy Woman” sa ABS-CBN Kapamilya Gold simula nitong Pebrero.