• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa din nawawala ang kilig ni Andrew E tuwing nakikita si Ana Roces.

Andrew E at Ana Roces muling magtatambal sa pelikula after 25 years

Hindi pa din nawawala ang kilig ni Andrew E tuwing nakikita si Ana Roces.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/24/2020 09:59 AM
Andrew E at Ana Roces muling magtatambal sa pelikula after 25 years
Photo credit to VIVA Films

Taong 1995 nang huling magtambal sa comedy film na Hibangers (Viva Films) sina Andrew E at Ana Roces. After exactly 25 years ay muling pinagsama ng Viva ang dalawa para sa comedy film na may working title na Pakboy na ipapalabas ngayog 2020.

Present sa storycon ng pelikula held last January 22 sa opisina ng Viva ang buong cast at ikinagulat ni Andrew E na nando’n din ang dati niyang ka-love team at naging love interest na si Ana Roces.

“Aaminin ko na I'm so excited and much more happy na si Ana Roces would be in the movie. In fact, Viva didn't tell me na nandito na siya for the look test,” reaksyon ng rapper-actor nang makita si Ana.


Patuloy niya, “At 25 years ago, ganito pa rin ang feeling ko kapag nagkakaroon ng story about us. Nothing has changed and it's more, to that effect, it is more pa. And I'm really looking forward to this movie.”

Kasama nina Andrew at Ana sa Pakboy ang iba pang komedyante ng Viva na sina Dennis Padilla at Janno Gibbs. Si Al Tantay naman na director ng tatlo sa Sanggano, Sanggago, at Sanggwapo ang muling magdidirek ng bagong comedy film.

Hindi naman naiwasang maungkat ang nakaraan nina Andrew E at Ana sa mismong storycon. Tanong kay Andrew, totoo bang niligawan niya noon si Ana.

“You know, a golden question needs a golden answer,” sabi muna ng singer-actor. “Nanligaw po ako. basted po ako. And I'm proud. Kasi kung hindi nangyari sa akin yon hindi ko mahahanap ang sarili ko,”dagdag niyang pag-amin.

“Pero I cherish the day and every minute na, kung pwede sabihin sa inyo 'yon, eh, sana mag-expound din si Ms. Ana Roces,” dugtong ulit niya.

Ipinaliwanag naman ni Ana kung bakit niya binasted noon si Andrew E.

Aniya, “Eh, kasi during that time, ginawa namin yung Alabang Girls, 16 ako no’n. So I think I was very young. I was very young that age. I was not really... I'm very fickle minded. And I was also in high school. So medyo bata pa.”

When asked kung nakakaramdam pa rin ba si Andrew E ng kilig ngayon kay Ana, ang sagot niya, “Pwede ko ba itong sabihin nang pagbaliktad? Marunong ba kayong magdagdag sa kilig? Hindi, di ba? Ibig sabihin non, kung ano yung kilig mo noon,yon din ang kilig mo ngayon.”

Kahit pala may kani-kanya ng pamilya ang dalawa ay nananatili ang paghanga ng rapper-singer sa dati niyang kapareha. And as we can see, parang naiintindihan naman ni Ana ang nararamdaman ng singer-actor.

Anyway, bukod kina Andrew E, Janno, at Dennis ay makakasama rin sa movie sina Leo Martinez, Maui Taylor, Nathalie Hart, Marissa Sanchez, Jerald Napoles, at marami pang iba.