• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion, nagkuwento tungkol sa first family trip kasama ang long-time boyfriend

Yam Concepcion, nagkuwento tungkol sa first family trip kasama ang long-time boyfriend

Ayon kay Yam Concepcion, ito ang pinaka-unang niyang bakasyon na kasama ang pamilya ng long-time boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/23/2020 11:03 AM
Yam Concepcion, nagkuwento tungkol sa first family trip kasama ang long-time boyfriend


Photo credit: @yamconcepcion IG

Nagkuwento ang Nightshift movie actress na si Yam Concepcion tungkol sa kaniyang pinaka-unang bakasyon kasama ang long-time boyfriend na si Miguel CuUnjieng, at ang pamilya nito.

"Pinakauna kong family trip with my boyfriend's family. It's nice kasi masaya siya na detox. Kumbaga nasa beach lang kayo and you're spending time with your loved ones," kuwento ni Yam sa episide ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, January 22.

Una nang ibinahagi ni Yam ang mga sweet photos na kasama niya ang kaniyang nobyo sa kanilang bakasyon sa Hawaii, sa kaniyang Instagram account.

READ: Yam Concepcion flaunts figure in Maui

Limang taon nang nasa long-distance-relationship sina Yam at Miguel kaya nang tanungin ng mga momshie hosts kung paano ito pinagdadaanan ni Yam, "Ako nga rin naso-surprise kung paano namin nagagawa. Pero I trust him so much parang nabibigyan niya ako ng security.

"Siyempre may arguments din, pag minsan nami-miss mo na umiinit na yung ulo ko, lalo na sa work natin. Pero ayun, napag-uusapan naman."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@roxyph x @billabong

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

READ: EXCLUSIVE: Ina Raymundo, susuportahan ang panganay na gustong pumasok sa showbiz

Sa pagpasok ng taong 2020, may tatlong proyekto na agad ang inilabas si Yam. Bukod sa horror movie na Nightshift na kasalukuyan nang mapapanood sa sinehan, bida sa iWant digital series na Uncoupling ang aktres kung saan ay katambal niya si Joseph Marco. Aabangan din sa bagong teleserye na Love Thy Woman si Yam.