• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael De Mesa, nagbigay patikim sa mga dapat abangan sa ‘Ang Probinsyano’

Michael De Mesa, nagbigay patikim sa mga dapat abangan sa ‘Ang Probinsyano’

Sinabi ni Michael De Mesa na may makakasama silang international stars sa darating na episodes ng top-rating Kapamilya show.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/23/2020 6:03 PM
Michael De Mesa, nagbigay patikim sa mga dapat abangan sa ‘Ang Probinsyano’


Isa si Michael De Mesa sa mga aktor na gabi-gabing napapanood sa numero unong Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sa naging panayam sa beteranong aktor, nagbigay patikim ito sa mga dapat abangan sa Kapamilya series.

Kabilang na dito ang inaasahang pagpasok sa “Probinsyano” ng ilang Hollywood stars.

READ: Shooting abroad at Hollywood Stars, aabangan sa ‘Ang Probinsyano’

“Yes we’re going big this year, that’s something na dapat abangan ng mga viewers. We’re going big, this year,” tugon niya.

Matipid naman ang sagot ng aktor kung kabilang na ba dito si Antonio Banderas at Penelope Cruz.

“Hindi ko alam kung siya, (laughs) [Si Penelope Cruz] Hindi ko rin alam kung siya,” masaya niyang sagot.

Aniya, may ilan nang kumpirmado at inaasahan nang magiging bahagi ng Kapamilya series.

“Pero depende, depende sa kanila kung sino ang makukuha nila. They negotiated with a few, may mga few names na na lumabas pero hindi ko rin naman pwede i-confirm kung sino na yung mga yun.”

Bukod sa pagpasok ng Hollywood stars, inaasahan rin ang shooting ng mga ilang eksena ng programa abroad ngayong taon.