• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos kumuha ng tatlong franchise ng isang fast-food brand, ipinakilala si Melai Cantiveros bilang kauna-unahang brand ambassador ng Adobo Connection.

‘Kailangan may fallback’: Melai Cantiveros, nagsimula nang mag-invest sa pagne-negosyo

Matapos kumuha ng tatlong franchise ng isang fast-food brand, ipinakilala si Melai Cantiveros bilang kauna-unahang brand ambassador ng Adobo Connection.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/23/2020 11:13 AM
‘Kailangan may fallback’: Melai Cantiveros, nagsimula nang mag-invest sa pagne-negosyo
Photo credit: @mrandmrsfrancisco IG

Masayang humarap sa press ang momshie host na si Melai Cantiveros nang ipinakilala siya bilang kauna-unahang brand ambassador ng Adobo Connection, nitong January 21, Martes.

Ito na ang simula nang pag-i-invest ng momshie host sa negosyo, at ayon sa kaniya ay may plano pang dagdagan ngayong taon. “Siyempre mas maganda mas madami pa rin di ba? Hindi naman sa mukha tayong pera pero alam niyo yung para mabuhay mo yung pamilya mo.

“Ang pag-aartista naman hindi naman kasi siya forever, kumbaga kailangan may fallback ka talaga, mayroon ka talagang babalikan ba, kapag wala na ang pag-aartista. Open kasi ako na, pagkatapos na ng chance mo, tapos na yung  kasikatan mo, iba naman.


“So dapat bilang momshie, mayroon kang fallback,” paliwanag ni Melai.

Nang tanungin kung bakit mas pinili niya ang food business, at ang isang brand na tulad ng Adobo Connection, “Kasi kapag nagnenegosyo ka talaga doon ka [dapat] sa patok. Tsaka alam naman natin na kapag food ang papasukin mong negosyo, very mabilis ang kita ng pera.

“Iba din kasi ang relasyon na binibigay ng Adobo Connection family sa mga franchisee. Alam mo yung panatag ka, hindi ka magwo-worry sa pinasok mo, tutulungan ka talaga nila,” pahayag ng komedyante.

Sa ngayon may tatlo nang franchise si Melai nationwide ng nabanggit na fast-food resto. Sa naganap na press conference din ay ipinakita kay Melai ang ‘Pinoy icon mural’ na inspired sa kaniya mula sa Adobo Connection.

 

 

Mapapanood pa rin si Melai sa Magandang Buhay bilang host, tuwing umaga sa Kapamilya Network.