• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, gaganap bilang Mother Lily Monteverde sa isang biopic

Judy Ann Santos, gaganap bilang Mother Lily Monteverde sa isang biopic

Mas makikilala pa ng personal ang movie producer na si Mother Lily Monteverde sa isang biopic.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/23/2020 11:54 AM
Judy Ann Santos, gaganap bilang Mother Lily Monteverde sa isang biopic


Photo credit: @officialjuday IG

Isa ang aktres na si Judy Ann Santos sa mga gaganap at magbibigay buhay sa life story ng movie producer na si Lily Monteverde.

Sa retrato sa Instagram, ibinahagi ni Juday ang kaniyang pananabik para sa upcoming movie project.

 

 

“This is it! It’s finally happening! my mother Lily.. her brilliance , passion and love for the showbiz industry is undeniable.. she is the reason why I am here.. It’s an honor to be able to know you more with this project,” caption ni Judy Ann. 

Matatandaan na 2019, inihayag ni Mother Lily ang pagsasabuhay ng kaniyang life story mula sa personal hanggang sa kaniyang karera bilang isa sa mga respetado at tinitingalang movie producer.

READ: Life story ni Mother Lily gagawing pelikula ni Erik Matti

Bukod kay Judy Ann, inaasahan na ilang malalaking pangalan rin sa showbiz ang magiging bahagi ng nasabing proyekto sa direksyon ni Erik Matti.