• Home
  • Fresh Scoops
  • Ama ni Jolina Magdangal, ikinuwento ang naranasang kalamidad sa pagputok ng Taal

Ama ni Jolina Magdangal, ikinuwento ang naranasang kalamidad sa pagputok ng Taal

Ikinuwento ng ama ni Jolina Magdangal na si Jun Magdangal ang naging karanasan nito at ng asawa sa kalamidad sa Tagayta dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/23/2020 5:16 PM
Ama ni Jolina Magdangal, ikinuwento ang naranasang kalamidad sa pagputok ng Taal


Sa kaniyang pagbabalik mula sa bakasyon, kasama ni Jolina Magdangal ang kaniyang ama na si Jun Magdangal sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes, January 23.

Dito ikinuwento ni Jun ang naging karanasan niya kasama ang asawa o ina ni Jolina, sa kasagsagan ng kalamidad ngayon sa Tagaytay dahil sa pagputok ng Bulkang Taal noong January 12.  

“Nung una sabi namin baka temporary lang ito baka mamaya wala na. Kasi siyempre aware din naman kami sa history ng Taal. So sabi namin, this is something serious,” pahayag ni Jun na sinabing kinailangan nilang isara ang pagmamay-aring restaurant dahil unti-unting nawalan na ng suplay ng kuryente at tubig sa kanilang lugar.

“Noong nasa bahay na kami talagang ramdam na ramdam mo ang tremor, every 15 to 30 minutes yuyugyog. Si Mommy (Paulette) nagkaroon ng trauma. Kahit nandito na kami sa Quezon City nakahiga sa kama, kikilos lang ako, akala niya ay lumilindol na. In my lifetime, twice lang ako nakaranas ng explosion. ‘Yung Pinatubo, ashes lang 'yon sa Quezon City, sa Tandang Sora pa kami noon. This time ‘yung actual na nandoon ka,” kuwento pa ni Jun.

Sa ngayon, nananatili si Jun at Paullette sa Quezon City, habang hindi pa sigurado ang kaligtasan ng kanilang bahay sa Tagaytay. 

READ: Celebrities continue to help with relief efforts for Taal Volcano victims

Ayon kay Jolina, sinasadya ng kaniyang kapatid ang kanilang lugar paminsan-minsan para kumuha ng update sa kalagayan ngayon ng kanilang lugar.

“Pero siyempre hindi mo maiiwas sa kanila na mag-worry, minsan yung ate pupunta doon iche-check ang memory lane titingnan kung kumusta ang mga bagay-bagay saka babalik ng Manila,” ani Jolina.

Kasalukuyang naka-total lockdown na ang ilang malalapit na lugar sa bulkan, dahil sa posibilidad na magkaroon muli ng malaking pagsabog.